Showbiz News

Jennylyn Mercado, kaliwa't kanan ang showbiz commitments at business ventures



Bukod sa gabi-gabing inaabangang 'My Faithful Husband,' may iba pang TV and movie projects si Jennylyn Mercado na pinagkakaabalahan. Nariyan ang kanyang cooking show na 'Sarap with Family,' at isa rin siya sa judges ng bagong season ng 'StarStruck.'
 
READ: Jennylyn joins the StarStruck Council 
 
Pagdating naman sa silver screen, may dalawang pelikula ngayon si Jen, ang 'The PreNup' with Sam Milby at ang MMFF 2015 entry na 'Walang Forever' with Jericho Rosales 
 
Idagdag pa dito ang kanyang mga negosyong spa and boutique at ang kabubukas pa lamang na coffee shop.
 
 

READ: Jennylyn Mercado opens new cafe 
 
"Habang nandidito pa ako sa showbiz, ga-grab ko na 'yung chance na mag-invest sa mga ganitong klaseng [business]," kuwento niya kay Lhar Santiago ng '24 Oras.'
 
Dahil sa dami ng kanyang ginagawa sa loob at labas ng showbiz, muling idiniin ni Jennylyn na wala siyang panahon sa pag-ibig, kahit pa madalas silang intrigahin ng kanyang 'My Faithful Husband' co-star at ex-boyfriend na si Dennis Trillo.
 
"Hindi ba lahat naman tayo may pinagdaanan? So, sa bawat pinagdaanan natin, siyempre parang careful na tayo. Mas nakakatakot na ulit pumasok sa isang panibagong relasyon kasi kailangan mo nang maging maingat," saad niya.