Ramdam na ramdam na ang kapaskuhan lalo na't napanood na ng mga Kapuso ang inaabangang 2023 GMA Christmas Station ID na pinamagatang "#FeelingBlessedNgayongPasko" ngayong Linggo, November 5, sa 'All-Out Sundays.'
Sa "#FeelingBlessedNgayongPasko," ipinaalala ng GMA Network na ang tunay na biyayang matatanggap natin ngayong Pasko ay hindi materyal na bagay kung hindi ang pagmamahalan natin sa isa't isa.
Silipin ang ilang mga artista at personalidad na naging bahagi ng Christmas station ID ngayong taon sa gallery na ito.
Masayang-masaya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa taunang Christmas Station ID ng GMA.
Finger hearts ang ibinigay ni Dingdong Dantes sa mga manonood ng #FeelingBlessedNgayongPasko.
Kahit na busy sa kabi-kabilang events ang Global Fashion Icon na si Heart Evangelista, kabilang pa rin siya sa Christmas Station ID ngayong taon.
Kitang-kita ang ngiti ni Alden Richards sa #FeelingBlessedNgayongPasko dahil sa matagumpay niyang taon.
Panigurado, #FeelingBlessedNgayongPasko si Bea Alonzo.
Kabilang din sa 2023 GMA Christmas Station ID si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Kabilang din sa "#FeelingBlessedNgayongPasko" ang pillars ng GMA Integrated News sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho.
Finger hearts ang hatid ng 'Wish Ko Lang' host at '24 Oras' anchor na si Vicky Morales.
Ready na si Atom Araullo na magbigay ng blessings ngayong Pasko.
Masaya si Michael V. dahil ramdam na ramdam na niya ang kapaskuhan.
Damang-dama na ni Barbie Forteza ang holiday season dahil sa Christmas Station ID ng GMA.
Nagbigay saya sa mga tao sina Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, at Andrea Torres.
Very happy ang 'Stolen Life' stars na sina Carla Abellana at Gabby Concepcion.
Nagbigay din ng blessing si Bianca Umali at pinatunayan niyang isa siyang Sang'gre na may puso.
#FeelingBlessedNgayongPasko sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva na gaganap bilang mga bagong Sang'gre.
Masayang-masaya ang Sparkle stars ngayong Pasko.
Kabilang din sa #FeelingBlessedNgayongPasko ang mga bida ng 'Black Rider' na sina Ruru Madrid, Yassi Pressman, at Katrina Halili.
Ramdam ni Xian Lim na siya ay #FeelingBlessedNgayongPasko dahil sa sunod-sunod niyang proyekto sa Kapuso Network.
Kitang-kita agad ang bonding ng mga bituin ng Philippine adaptation na 'Shining Inheritance' na sina Michael Sager, Kate Valdez, Coney Reyes, Kyline Alcantara, at Roxie Smith.
Naggagandahan ang Kapuso stars na sina Lexi Gonzales, Ashley Ortega, Elle Villanueva, at Shuvee Etrata sa #FeelingBlessedNgayongPasko GMA Christmas Station ID.
Si Rocco Nacino ay #FeelingBlessedNgayongPasko dahil sa mga biyayang natanggap niya.
Masayang masaya ang documentarists na sina Kara David at Howie Severino dahil ramdam na ramdam na nila ang diwa ng kapaskuhan.
Nakiisa si Valeen Montenegro sa taunang Christmas Station ID ng GMA Network.
Sama-samang sumayaw ng #FeelingBlessedNgayongPasko sina Arnold Clavio, Gabbi Garcia, at Khalil Ramos.
Bahagi rin ng "#FeelingBlessedThisChristmas" si Sanya Lopez.
Naki-#FeelingBlessed din ang hosts ng morning show na 'Unang Hirit' na sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Mariz Umali, Suzy Entrata-Abrera, Lyn Ching, at Atty. Gabby Concepcion.
Hindi rin nagpahuli ang morning oppa na si Kaloy Tingcungco.
Blooming si Rochelle Pangilinan sa taunang Christmas Station ID sa GMA.
Maligayang Pasko mula kay David Licauco!
Kasiyahan ang hatid ng 'Bubble Gang' comedians na sina Matt Lozano, Kokoy De Santos, at Cheska Fausto.
Timeout muna sa pagbabalita sina Pia Arcangel, Raffy Tima, at Connie Sison para sayawin ang #FeelingBlessedNgayongPasko jingle.
Damang-dama na ng mga Kapuso natin ang kapaskuhan. Sila ay #FeelingBlessed!
Ramdam na ramdam ni Drew Arellano at Doc Ferds Recio ang kapaskuhan.
Kita ang saya nina Manilyn Reynes, Camille Prats, Wendell Ramos, at maraming pang iba ngayong malapit na ang kapaskuhan!
Hindi rin nagpahuli sa pagpapalaganap ng diwa ng kapaskuhan sina Rayver Cruz, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Derrick Monasterio.
Maligayang Pasko mula sa nag-iisang magandang dilag na si Herlene Budol.
Love is in the air para kina Allen Ansay at Sofia Pablo lalo na ngayong Pasko.
#FeelingBlessed si Maxine Medina! Anong blessing kaya ang gusto niyang matanggap ngayong Pasko?
Merry Christmas, mga Kapuso!