Showbiz News

Theme song ng 'Marimar,' puwede nang i-download

By OWEN ALCARAZ

 
May bagong pagkakaabalahan ang mga fans ng Marimar, at 'yan ay ang pagda-download ng paborito nilang soundtrack mula sa kinagigiliwan nilang Telebabad soap.
 
Pinamagatang 'Iniibig Kita,' ang awiting ito ay binigyang buhay ng Kapuso talent na si Maricris Garcia. Ang nasabing awitin ay available na for download via Amazon, Spotify, Google Play, Deezer, Guvera, at iTunes.
 
Ano pa ang hinihintay mo? I-download na ang kantang ito at makinig habang sinasariwa sa inyong mga ala-ala ang makulay na buhay at pag-ibig ni Marimar.