Showbiz News

Dangwa girl, ipinakilala na!

By BEA RODRIGUEZ

 
Marami ang kinilig sa litrato at bidyo ng isang misteryosang babae sa Dangwa na namigay ng bulaklak sa lalaking estudyante. Dahil hindi pa nakikita ang kanyang mukha, marami ang nagtaka kung sino ang babaeng kumakalat sa social media.
 
 
 
 
Dangwa Girl

Sparks sa DangwaGrabeng sparks sa picture dun sa Dangwa girl na nagbigay ng rose sa UST student, grabe super kinilig yung 2 guys lalo na yung binigyan. Speechless yung barkada nung guy hahahaha. Kung ako din inabutan ng flowers, kikiligin ako kahit guy ako. Sino ka ba Dangwa girl? UST student ka ba? Sana makita kita minsan sa Dangwa kasi feel ko ang ganda mo po. #dangwagirl

Posted by The UST Files on Sunday, 20 September 2015
 
Ipinakilala na sa 24 Oras si Dangwa Girl na walang iba kundi si Kapuso star Janine Gutierrez. Saad niya, “Nakakatuwa kasi ‘yung mga producers namin, ‘yung mga taga-GMA News, talagang pinag-isipan nila kung paano i-introduce ‘yung Dangwa tapos ‘di ba kapag may secret, parang mas lalong nakaka-excite?”
 
READ: Beauty talk with Janine Gutierrez 
 
Gagampanan ng aktres ang karakter ni Rosa na isang misteryosang babaeng nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, “’Yung character ko tutulong sa mga taong naghahanap ng tunay na pag-ibig, mapa sa nobyo man o sa pamilya.”
 
Linggo-linggo, iba’t ibang kuwentong pag-ibig ang tampok sa pinakabagong serye tuwing umaga kung saan may kinalaman siya sa pag-iisang puso ng dalawang tao. Ipapakita rin ang buhay pag-ibig ni Rosa at ang dalawang lalaking naghahangad ng kanyang pag-ibig ngayong Oktubre.
 
Gagampanan ni StarStruck Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras ang papel ni Baste na isang flower delivery boy, “Playboy [ako]. Lagi kong inaasar si Janine pero ang hindi [niya] alam ay meron pala akong lihim na pagtingin sa kanya. Eventually, hindi ko agad maamin sa kanya kasi bilang darating si Aljur sa buhay niya.”
 
READ: Mark Herras, muling binalikan ang kanyang ‘StarStruck’ journey 
 
Si Lorenzo naman ay isang arkitekto na bibigyang buhay ni StarStruck Season 4 Ultimate Male Survivor Aljur Abrenica. Inilarawan ng aktor ang kanyang karakter, “Araw-araw ako sa Dangwa. Lagi akong pumupunta sa Dangwa para bumili ng mga rosas ‘cause I’m desperate to win my ex [girlfriend] back.”
 
READ: Aljur Abrenica calls himself an old fashioned guy