Showbiz News

Glaiza De Castro, todo-todo ang preparations para sa kaniyang concert

BY FELIX ILAYA

Bukas na ang concert ni Glaiza De Castro na pinamagatang 'Dreams Never End' sa Music Museum kaya todo-todo ang mga paghahanda na kaniyang ginagawa. Metikulosa daw sa bawat detalye ng concert si Glaiza, pati din ang mga songs, siya ang personal na namili. 
 
Ilan sa mga magiging guests niya ay ang Asia's Songbird Regine Velasquez, 'The Richman's Daughter' star Rhian Ramos, RnB Singer Jay R, at OPM Artist Kitchie Nadal.
 

READ: RaStro, the newest Kapuso love team
 
PREVIEW: Regine at the Theater
 
Ayon sa isang Facebook post, tila daw pakiramdam niya sasabog siya ngunit malaking pasasalamat niya sa lahat ng mga taong tumulong sa kaniya upang mabigyang buhay ang kaniyang concert.