Showbiz News

Gabby Concepcion, handang mag-guest sa talk show ng dating manager na si Lolit Solis

By CHERRY SUN
 
Certified Kapuso na ang 80’s heartthrob na si Gabby Concepcion, at nakapila na ang mga proyekto para sa kanya sa GMA.
 
READ: Gabby Concepcion is now a Kapuso 
 
LOOK: Gabby Concepcion and ‘Felix Manalo’ cast at the record-breaking world premiere 
 
Una niyang makakatrabaho ang Kapuso actress na si Carla Abellana. Aniya, malapit niyang kaibigan ang ama nitong si PJ Abellana kaya naman excited siya para rito.
 
“Parang meron kaming familiarity kaya masaya, maganda kasi ang gaganda rin ng projects ni Carla. Nakagawa na rin kami ng project, at masaya siyang kasama. She’s very professional. Okay kami,” pahayag ni Gabby sa panayam ng 24 Oras.
 
Dahil nasa Kapuso network na, may posibilidad din siyang mag-guest sa comedy-talk show ng kanyang dating talent manager na si Lolit Solis, ang CelebriTV.

WATCH: Gabby Concepcion, una nang nagpakilig sa Sunday PinaSaya 
 
Pagbati niya kay Lolit, “Hello! Kita ho tayo sa show ninyo. It’s nice to be back and it’s nice to do projects here in GMA.”
 
Nagkalayo ang loob nina Gabby at Lolit matapos ang isang di pagkakaunawaan kaugnay ng naganap na 1994 Metro Manila Film Festival.