Showbiz News

Mga kandidata ng 'Miss World Philippines 2015' nag-courtesy call sa Philippine General Hospital

By MARAH RUIZ
 
Alinsunod sa motto nilang "Beauty with a purpose" bumisita ang mga kandidata ng 'Miss World Philippines 2015' sa Philippine General Hospital noong October 5. 
 
Una silang sumilip sa oncology ward, ngunit dahil maselan ang mga immune system ng mga pasyente, sinalubong na lang sila ng ilang mga bata na malalakas na ang resistensya. 
 
Pagkatapos ay bumisita naman sila sa pediatric ward para maghatid ng simpleng meryenda para sa mga pasyente at mga bantay dito. 
 
"Ito na ang aming pinakapaninindigan na tulungan ang mga bata na may cancer dito po sa PGH," ayon kay pageant director Cory Qurino na sumama rin sa PGH. 
 
Mapapanood ang exclusive broadcast ng 'Miss World Philippines 2015' sa Sunday Night Box Ofice, October 18 sa GMA.
 
Narito ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: