Showbiz News

Birthday celebration ni German Moreno, naging reunion ng kanyang mga kaanak at mga iconic stars

By CHERRY SUN

 
Masayang masaya si German “Kuya Germs” Moreno dahil sa surprise birthday party na idinaos para sa kanya sa Sampaguita Gardens.
 
Pinangunahan ng kanyang anak na si Federico ang naging celebration, habang nag-alay naman ng isang awitin ang apo ni Kuya Germs, ang Olympic gold medallist na si Luis Gabriel Moreno.
 
Tila naging reunion ng Sampaguita Pictures artists ang kanyang party dahil sa pagdalo nina Susan Roces, Gloria Romero, Barbara Perez, Eddie Gutierrez, at Annabelle Rama, pati na ng magkapatid na sina Marichu Vera Perez-Maceda at Lilibeth Vera Perez-Nakpil.
 
Pagbati ni Susan, “Congratulations, German. Marami nagmamahal sa’yo, kita mo naman ang turnout ng surprise party ni Federico para sa’yo. We love you German and we wish you long, long life, and happiness, and good health.”
 
“Nakikita ko siya na he’s so emotional because hindi niya akalain na everybody will be here tonight to greet him. Happy happy birthday, Pareng Germs. We love you dearly,” kuwento naman ni Gloria sa ulat ng '24 Oras.'
 
Nagpaabot din ng mensahe ang kanyang matalik na kaibigan na si Alice Eduardo. Aniya, “Kuya Germs, happy happy birthday! Wish you more success, long life.”
 
Present sa okasyon ang mga alaga ng Master Showman mula sa programang 'Walang Tulugan.' Naki-celebrate din sina Mother Lily Monteverde at Senior Vice President for Entertainment ng GMA na si Lilybeth G. Rasonable.
 
Humabol para bumati sina Manila Mayor Joseph Estrada at ang kanyang bise na si Vice Mayor Isko Moreno na nagsimula sa dating daily variety show ni Kuya Germs na 'That’s Entertainment.'
 
Nagpahayag ng pasasalamat si Kuya Germs para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
 
Wika niya, “Lahat ng naririto at lahat ng tumatangkilik sa atin hanggang ngayon pa [na] dumating ako sa edad na ito, secret hind ko na sasabihin [ang edad ko], pero talagang walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon.”

WATCH: Birthday celebration ni Kuya Germs, naging reunion ng kanyang mga kaanak at kaibigan