Showbiz News

'StarStruck' Final 14, handa nang paglabanan ang titulong 'Ultimate Survivor'

By CHERRY SUN

PHOTO BY KARL OWEN PANAL, GMANetwork.com
 
Ipinakilala na ang final 14 na maglalaban-laban para makamit ang titulong StarStruck Ultimate Survivor.
 
WATCH: StarStruck’s Final 14
 
Pag-alala ng artista hopeful na si Koreen Medina, “Sa studio po, as in dinig na dinig ‘yung (heartbeat sound effects). As in sobrang malakas po kaya nakakadala po siya. Kaya nung tinawag ‘yung pangalan ko po parang, ‘Wow, worth it lahat ng ginawa ko po.'”
 
“Sa una sobrang kinakabahan ako pero sobrang blessed po ako,” sambit naman ni Joemarie Nielsen sa panayam ng 24 Oras.
 
Masaya rin sina Arra San Agustin at Analyn Barro dahil ramdam nilang worth the wait talaga ang pakikipagsapalaran nila sa reality-based artista search.
 
Ang StarStruck hopeful na si Avery, nakasimpatya rin sa kanyang batchmates kahit sigurado nang pasok siya sa Final 14. Aniya, “Na-fast track ako [pero] kinakabahan din ako para sa iba. Pero ngayong kumpleto kaming 14, sobrang masaya po ako.”
 
Ngayong mas napalapit na sila sa kanilang mga pangarap, hindi na raw sila magpapaawat.
 
Kuwento ni Migo Adecer, “I’m just gonna try my best and put my everything in any challenge or any that’s been given to me as a task. [I’m] praying to God and hoping that it’s enough for me.”
 
Ganito rin ang game plan nina Kevin Sagra at James Teng.
 
“Sobrang gagawin namin lahat para ma-prove sa kanila lahat na [dine-deserve] namin ‘yung kung saan kami ngayon,” wika ni Kevin.
 
“Workshops, practice, seseryosohin namin lahat. Focus lang,” pahayag naman ni James.
 
Kumusta naman kaya ang Final 14 sa mata ng First Ultimate Female Survivor at ngayo’y StarStruck judge na si Jennylyn Mercado?
 
Bahagi niya, “Magagaling na sila eh. Kumbaga, enhancement na lang. Wala na kailangan pang buuin kasi buo na sila. Magaganda na, magagaling na namang kumanta, sumayaw, marunong na rin umarte. So, konting push na lang.”
 
Video courtesy of GMA News