Kilalanin ang cast ng iconic Koreanovela na 'Jewel in the Palace'

Ngayong December 1, samahan si Jang Geum sa kanyang natatanging kuwento bilang unang babaeng naging manggagamot ng hari sa Jewel in the Palace.
Dalawang dekada na ang nakalilipas no'ng pagbidahan ang highest-rated Korean historical drama na ito ng award winning actress na si Lee Young-ae bilang Jang Geum.
Ang Koreanovela na ito ay base sa totoong kuwento ni Jang Geum, na hindi tumigil na mangarap at nagsumikap sa buhay hanggang sa maging tagapagluto sa palasyo at kalaunan ay naging unang babaeng doktor ng hari.
Magsisimula ang Jewel in the Palace ngayong December 1, 2:30 p.m. sa GTV.
Para sa regular na schedule, mapapanood ito Lunes, Martes, at Huwebes ng 2:30 p.m., Miyerkules ng 5:00 p.m., at Sabado ng 3:00 p.m.
Kilalanin ang cast ng Jewel in the Palace sa gallery na ito: