Showbiz News

Ken Chan, pinagkakasya ang 2,000 pesos na allowance sa isang linggo

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Hindi makapaniwala ang Powerhouse host na si Kara David nang sabihin ni Kapuso actor Ken Chan na P2,000 lang ang hinihingi niyang allowance kada linggo mula sa kanyang mga magulang.
 
"Kapag po binibigyan ako ng Mama at Papa ko, kunwari sa isang linggo, bibigyan nila ako ng P5,000 or P10,000, sabi ko, 'Hindi, masyadong malaki 'yan.' Hihingi lang ako ng P2,000, ganun lang," kuwento ng Destiny Rose star.
 
READ: Ken Chan, inaabangan ang intimate scenes nila ni Fabio Ide sa 'Destiny Rose'
 
Ngayon lang nabigyan ng big break si Ken sa pamamagitan ng lead role niya sa Destiny Rose, kaya tinanong siya ni Kara kung paano niya napag-ipunan ang three-storey townhouse na tinitirhan ngayon ng kanyang pamilya.
 
LOOK: Ken Chan's journey from 'Tween Hearts' to 'Destiny Rose' 
 
"Lahat po ng kinikita ko sa endorsements, commercials, mga naging teleserye ko, lahat po 'yun napupunta sa parents ko. Ako po 'yung nag-decide." 
 
Dagdag pa niya, "Sabi po ng parents ko, 'Sigurado ka ba? Kasi kailangan mo ng sarili mong pera.' Sabi ko, 'Sigurado ako. Gusto ko sa inyo lahat mapupunta 'yung pera ko kasi ayoko ng nagagastos ko sila.' Sila 'yung nag-iipon for me kaya po ako nakabili ng ganitong bahay."