Showbiz News

Catch 'Sunday PinaSaya's' newest segments!

By FELIX ILAYA
'Sunday PinaSaya' is without a doubt changing the landscape of Sunday noontime programming because of their funny skits and bright stars. And now, they're continuing to push the envelope with even more fun and exciting segments. 
 
READ: Sunday PinaSaya: Walang tigil ang saya sa #1 Sunday noontime habit
 
Naaalala n'yo pa ba ang variety and talk show noong early '90s na RSVP? Dahil sa mga hilarious and witty na mga banat ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas sa RSVP, siya ay naging most sought-after comedienne in the country. At ngayon, muli niyang bibigyang-buhay ang character niya na si "Cheenie La Chika" para sa Sunday PinaSaya. Kung gusto niyong sumakit ang tagiliran ninyo sa kakatawa, abangan n'yo ang mga bagong pasabog at pakulo ni Aiai para kay Cheenie this Sunday.
 
LOOK: AiAiTD: The wacky outfit diary of AiAi delas Alas
 
Maliban sa comeback ni Cheenie, may bagong segment din ang ladies ng 'Sunday PinaSaya' na sina Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, at Barbie Forteza na pinamagatang "Kopi Talk." Best friends ang role nilang tatlo sa segment na ito at magbabahagi sila ng mga different insights na kinakaharap ng mga single and independent young women.
 
Lastly, dapat n'yo rin abangan ang mga umaatikabong eksena sa "Madramarama Presents: Mana Po" kung saan mayroong bagong karakter na papasok sa Hacienda Leonora Teresa. Siya na kaya ang tunay na tagapagmana ng hacienda?
 
READ: Sunday Pinasaya Ep. 9: May sorpresa ang Pambansang Bae

Tutukan ang 'Sunday PinaSaya' tuwing Linggo, 12:00 ng tanghali.