Showbiz News

Ken Chan, pina-practice pa din ang kaniyang Chinese heritage

By FELIX ILAYA

 
Pagkapasok pa lang sa bahay ng 'Destiny Rose' star na si Ken Chan, makikita na pinapalamutian ito ng mga Buddha figurines. Sa kaniyang interview sa 'Power House,' inamin ni Ken kay Kara David na ang pamilya niya ay Buddhist. 
 
Aniya, "My dad is Buddhist so nag-aalay kami every month. Ang tawag po namin doon ay Haha Popi."
 
Dagdag pa ni Ken na "Ang Buddhism naman po kasi, hindi siya religion, it's just a way of life. And actually si papa Catholic-Buddhism po siya. So Catholic kami pero naniniwala din kami sa Buddhist."
 
READ: Ken Chan, pinagkakasya ang 2,000 pesos na allowance sa isang linggo
 
Pinakita niya kay Kara ang kanilang Buddhist altar kung saan ginagawa ang Haha Popi o ang pag-aalay ng pagkain at pagdadasal kay Buddha.
 
"Actually, pag may wish po ako o gusto ko na gawin, magsisindi lang po ako ng incense, natutupad."  
 
Maliban sa mga Buddha figurines, mayroon ding mga pampa-swerte na matatagpuan sa loob ng bahay nila Ken tulad na lang ng mga infinity signs na nangangahulugan ng tuloy-tuloy na biyaya, mga circular objects na sumisimbolo ng pera, money plant, at water fountain para sa circulation ng pera.
 
Ibinida din ni Ken ang kaniyang collection ng sapatos, movies, at mga parangal sa larangan ng academics at showbiz.
 
READ: Ken Chan at Fabio Ide, kinikilig sa isa't isa