Showbiz News

Character ni Sheena Halili sa 'Destiny Rose', malapit nang lumabas

By MICHELLE CALIGAN
 
Malapit n'yo na muling makita si April Rose!
 
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Ang Kapuso actress na si Sheena Halili ang gaganap bilang dalagang April Rose, ang nakatatandang kapatid ni Joey, played by Ken Chan, sa afternoon drama na Destiny Rose.
 
READ: Ken Chan at Fabio Ide, kinikilig na sa isa't isa 
 
Nag-post si Sheena sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Ken. May caption ito na "Joey, kailan ko kayo makikita ni Mama? Naiisip ko kayo bago matulog. -Ate April"
 
Matatandaang nagkahiwalay ang magkapatid sa kuwento nang tumakas sina Daisy (Manilyn Reynes) at Joey mula sa pagmamalupit ng asawa niyang ni Joselito (Joko Diaz) at naiwan si April Rose sa poder nito.
 
Malapit na rin kaya ang reunion ng magkapatid? Abangan!