Marian Rivera, bukas ba sa posibilidad na makatrabaho muli si Heart Evangelista?

Masayang ibinahagi ni Marian Rivera na maayos na ang relasyon nila ngayon ng kapwa Kapuso actress na si Heart Evangelista.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, game na sumalang si Marian sa isang interview kasama ang kanyang mister na si Dingdong Dantes upang i-promote ang kanilang pelikulang Rewind.
Dahil ang pelikula ay tumutukoy umano sa second chances, tinanong ni Boy Abunda ang mag-asawa kung naniniwala nga ba sila sa ikalawang pagkakataon.
Unang sumagot si Dingdong, “Yes, definitely. Sa bawat araw na gumigising ka ay 'yun ang panibagong chance para itama mo ang mga maling nagawa mo.”
“Are you easy to forgive?,” sunod na tanong ni Boy.
“Yes,” sagot naman ni Dingdong.
“Ikaw, Yan (Marian Rivera)?” tanong naman ni Boy kay Marian.
“Minsan hindi. May proseso. Depende sa level ng pain na ibinigay. Pero nagpapatawad naman. Siguro naghihintay lang ng tamang panahon at oras para maghilom ang mga ito,” tugon ni Marian.
“Do you believe in second chances?” tanong muli ni Boy sa aktres.
“Yes, of course,” nakangiting sagot ni Marian.
Mula rito, tinanong ni Boy si Marian tungkol sa naging pagkakaayos nila ni Heart. Aniya, “Paano kayo nagkabati ni Heart Evangelista?”
Hindi naman idinetalye ni Marian kung paano sila nagkabati ni Heart pero aniya, “Basta Tito Boy, masasabi kong 'yung puso ko ngayon ay masaya. Dahil naging maayos kaming dalawa. Pero para i-elaborate ko pa siya parang gusto ko sa amin na lang kasi nangyari ito sa hindi rin inaasahang pagkakataon.”
Dagdag pa niya, “Tapos ang sarap sa pakiramdam na naging maayos kami, nakapag-usap kami, parang 'yung intensiyon namin parehas ay very pure. Mag-uusap kami, sa amin na lang muna kasi parang ang hirap ding i-elaborate baka minsan mapangunahan 'yung mga dapat mangyari sa amin. So, masaya ako na maayos kaming dalawa.”
“Are you open to working with her?” pahabol pa ni Boy.
“Of course,” nakangiting sinabi ni Marian.
Matatandaan na nag-viral ang muling pagkikita sa personal nina Marian at Heart kamakailan sa 84th birthday celebration ng GMA Network's Chairman na si Atty. Felipe L. Gozon.
Dito ay sinalubong nina Marian at Heart ng matatamis na ngiti at mainit na yakap ang isa't isa.
Kilalanin pa ang ilang celebrities na nagkaayos matapos ang matagal na di pagkakaunawaan













































