Showbiz News

Ken Chan, hinahanda na ang sarili sa waxing

By MICHELLE CALIGAN
 
Hindi biro ang pinagdaanan ni Ken Chan para mabigyan ng hustisya ang kanyang pagganap bilang Destiny Rose. Sa kanyang Powerhouse interview with Kara David, ikinuwento ng aktor ang kanyang physical preparations.
 
READ: Ken Chan talks about his Chinese heritage 
 
"Physically, sobrang nag-diet ako. 'Yung workout ko ngayon puro cardio lang. Pang feminine lahat ng workout ko," natatawa niyang pahayag.
 
Pati na rin ang pag-pamper sa sarili, pinasok na ni Ken.
 
"Nag-paraffin din ako sa kamay kasi maraming eksena sa Destiny Rose na close up 'yung kamay so kailangan maging babae siya. Nagpahaba na rin ako ng nails. Mahirap siya kasi first time ko magpahaba ng kuko, hindi siya ganun kadali."
 
Pero mas pinaghahandaan daw niya ang waxing dahil kailangang flawless siya kapag nag-transform na siya into Destiny Rose.
 
"'Yung waxing, doon ako kinakabahan. Masakit daw ang magpa-wax. Sa kili-kili, sa binti, sa mukha, lahat iwa-wax 'yan. Mag-ready daw ako."
 
READ: Weekly allowance ni Ken, 2,000 pesos lang?