Alden Richards may mensahe kay Bae-by Baste: ''Uy ako naman!'
Published On: October 13, 2015, 07:11 PM
Updated On: July 20, 2020, 04:15 AM
By AEDRIANNE ACAR
Balik Pilipinas na ang Pambansang Bae Alden Richards mula sa pagtatanghal nila ng Philippine Queen of Comedy Aiai delas Alas at Kapuso Diva Aicelle Santos sa '#Sampuso' event ng GMA Pinoy TV sa Tokyo, Japan.
At mukhang namiss ng AlDub Nation si Alden. Base sa report ni GMA showbiz reporter Cata Tibayan sa '24 Oras,' paglabas pa lang ni Alden mula sa NAIA Terminal 2 ay dinumog na siya ng mga fans na matiyagang naghintay sa aktor.
Sa interview niya kay Cata, nagpasalamat si Alden sa lahat ng mga Pinoy sa Japan na nakisaya sa kanila sa #Sampuso event.
“Ang daming Kapuso Pinoy na nag-enjoy kasama namin, so thank you so much po until the next Kapusong Pinoy sa Japan thank you mga Kapuso.”
Miss na miss na din daw ni Alden ang mga Dabarkads sa 'Eat Bulaga' lalo na ang kanyang ka loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Super natuwa din daw siya sa mga nakita niyang pictures sa social media nila Maine Mendoza at Bae-by Baste na nakaporma ng kiss at hug sa kalye-serye beauty kaya naman may mensahe ang Kapuso hunk sa 'Eat Bulaga' child star.
“Naku okay lang ‘yun, ang cute-cute nga tuwang-tuwa ako dun sa mga pictures na lumalabas sa social media. Pero, ‘Uy ako naman.' [laughs]”