Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid, ibinahagi ang kuwento ng photos ni Nate sa social media

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Punong-puno ng cute photos ang Instagram feed ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa mga posts niya tungkol sa kanyang anak na si Nate Alcasid.
 
Sa isang episode ng Sarap Diva, ibinahagi ni Regine ang convenience ng digital age sa pag-capture ng ilang achievements ng kanyang anak.
 
 
“Ang sarap ng mga panahon ngayon kasi ang dali dali nang i-document 'yung mga ating special memories with our kids. Kaya ko ginagawang i-video siya kasi later on in life baka makalimutan ko na may mga ginawa siyang ganito. Kaya ko shinishare kasi paglaki niya ‘pag tinype niya 'yung pangalan niya, nasa system na siya.”
 
Isa sa mga pumatok na posts ni Regine ay ang #Natesionary series at ibinahagi niya rito ang kuwento sa likod ng hashtag na kanyang binuo para kay Nate.
 
Aniya, “'Yung #Natesionary started out kasi marami siyang mga words na nami-mispronounce niya before. Tapos, medyo bisaya siya so ang ginagawa ko sa Instagram, sini-spell ko the way na sinasabi niya. And I find it so funny kaya doon nag-start 'yung #Natesionary.”
 
READ: Explore Nate Alcasid’s #Natesionary
 
Bukod sa kanyang #Natesionary, bumuo rin si Regine ng isa pang series na idea umano ng kanyang anak. Ito ay binansagan umano ni Nate na #NatesAdventures
 
Kuwento ni Regine, “#NatesAdventure recent lang 'yun eh. One time we were watching YouTube and he saw something about Nate's adventure. Kasi may book na Big Nate, I think mayroon siyang nakitang Nate's Adventure.”
 
Simula umano noong araw na ‘yun, naging hands on na si Nate sa paggamit ng kanyang nadiskubreng hashtag.
 
“From that time on, 'pag alam niyang ivi-video ko siya, pagkatapos nun, alam niyang ipo-post ko, sinasabi niyang 'Ilagay mo 'yung #natesadventure. Mom, ilagay mo yang #natesadventure!' Hanggang sa hindi ko tina-type, hindi niya ako tinitigilan na ilagay 'yung #natesadventure."