Showbiz News

LOOK: Dennis Trillo at Ka Felix Manalo, magkahawig!

By CHERRY SUN
 
Maliban sa husay sa pagbibigay-buhay sa kuwento ng unang executive minister ng Iglesia ni Cristo, hindi rin maitatangging nararapat na ang Kapuso actor na si Dennis Trillo ang gumanap na Ka Felix Manalo dahil sa kanilang pagkakahawig.
 
Makaraan ng naging record-breaking world premiere ng naturang biopic, tumanggap ng papuri ang 'My Faithful Husband' star para sa kanyang pagganap sa pelikula. Nararapat raw na parangalan ng Oscar si Dennis, ayon sa journalist at TV host na si Teddy Locsin, Jr. habang inendorso naman ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang ‘Felix Manalo.’
 
Nakatanggap din siya ng mga papuri mula sa kanyang supporters dahil kuhang-kuha niya ang itsura ng karakter na ginampanan niya.