Showbiz News

Carla Abellana at Mikael Daez, may pinagseselosan sa 'Marimar?'

By AEDRIANNE ACAR
 
Maraming mga Kapuso netizens ang natuwa sa post kahapon ng ‘Ismol Family’ mainstay na si Mikael Daez sa Instagram.
 
Makikita na nag-post ang Kapuso hunk ng larawan nila ng co-star niya sa show na si Carla Abellana na tila naka-beast mode.
 
Sa caption sinabi ni Mikael, “Mukhang napanood ni Bernie and Majay ang Marimar kanina ????”


Mula ng ito ay ma-upload mayroon ng mahigit sa 1,073 likes ang picture nila Majay at Bernie.
 
Bida sa hit GMA Primetime series na 'Marimar' sina Tom Rodriguez at Megan Young.
 
Masugid na nanliligaw si Tom kay Carla, samantala ilang beses na napaulat na girlfriend ni Mikael ang Miss World 2013 na si Megan, ngunit wala pang direktang kumpirmasyon mula sa kanila.

LOOK: 9 photos that show why Carla Abellana is a fashionista
 
LOOK: 8 cute photos of Mikael Daez’ baby brother, Marco Alvaro