advertisement
Showbiz News

Mga Kapuso at Kapamilya stars na napanood sa magkabilang TV networks

1 of 30

Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Pokwang, Barbie Forteza, and Sanya Lopez

Pasabog ang unang araw ng It's Showtime sa GTV dahil nag-guest dito ang Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Pokwang at Barbie Forteza. Kabilang din sa nagpasabog ng 'It's Showtime' stage sina Mark Bautista, Christian Bautista, at Sanya Lopez.

2 of 30

Jodi Sta. Maria

Si Jodi Sta. Maria ang bumida sa unang collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu Philippines na 'Unbreak My Heart' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Rose.

3 of 30

Joshua Garcia

Sa 'Unbreak My Heart,' nakasama ni Jodi ang kapwa Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na gumanap bilang Renz.

advertisement
4 of 30

Julie Anne San Jose

Bilang hurado ng "Tawag ng Tanghalan" ng 'It's Showtime,' muling nakita ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang dati niyang kakompetensya sa singing contests.

5 of 30

Judy Ann Santos-Agoncillo

Nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos-Agoncillo nang mag-guest ito sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'

6 of 30

Dingdong Dantes and Marian Rivera

Maraming ang natuwa nang makita nila sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera sa entablado ng 'It's Showtime' para i-promote ang kanilang pelikulang 'Rewind.'

advertisement
7 of 30

Anne Curtis

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' binalikan ni Anne Curtis ang kanyang pagsisimula sa showbiz. Lingid sa kaalaman ng nakararami, sa GMA nagsimula ang karera ni Anne sa industriya nang mapabilang siya sa T.G.I.S, Anna Karenina, at Nuts Entertainment.

8 of 30

David Licauco

Sa anibersaryo ng 'It's Showtime,' naging special guest ng Team Karylle-Amy-Lassy-MC ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

9 of 30

Ryan Bang at Jhong Hilario

Sabay na nakapanayam ni Tito Boy Abunda ang hosts ng 'It's Showtime' na sina Ryan Bang at Jhong Hilario.

advertisement
10 of 30

Ryan Bang

Tinutukan ng mga manonood ang naging guesting ni Ryan Bang sa long-running gag show ng GMA na 'Bubble Gang' kung saan nakatrabaho niya ang Sparkle talents na sina Lexi Gonzales at Lianne Valentin.

11 of 30

Sanya Lopez

Bumalik sa 'It's Shwotime' ang First Lady of Primetime na si Sanya Lopez kung saan pinahanga niya ang hosts nito nang kantahin niya ang theme song nila.

12 of 30

Iza Calzado

Sa pagbisita ni Iza Calzado sa GMA, naalala niya ang kanyang yumaong ama na si Lito Calzado, isang choreographer at TV director.

advertisement
13 of 30

Jasmine Curtis-Smith

Matapos ang higit isang dekada, bumalik sa 'It's Showtime' si Jasmine Curtis-Smith kung saan nagkaroon siya ng isang Barbie-inspired opening number kasama ang Baby Dolls.

14 of 30

Kyline Alcantara

Matapos ang ilang taon, nakapag-perform muli si Kyline Alcantara sa 'It's Showtime.' Ayon sa kanya, ikalawang beses na niyang pagbisita ito dahil kumanta siya ng "Hallelujah" sa programa noong bata pa siya.

15 of 30

Amy Perez

Ikinuwento ni Amy Perez sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na minsan ay kinuwestiyon niya ang Diyos nang humarap siya sa matinding hamon ng buhay.

advertisement
16 of 30

Miguel Tanfelix

Pinakilig ni Miguel Tanfelix ang mga Kapamilya nang kantahin niya ang "Bite Me," ang single ng K-pop group na Enyphen

17 of 30

Ysabel Ortega

Nagkaroon ng reunion si Ysabel Ortega nang mag-perform siya sa 'It's Showtime' dahil sa parehong paaralan sila nag-aaral noon ng host nitong si Ryan Bang.

18 of 30

Coleen Garcia

Sa guesting ni Billy Crawford sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' sinamahan siya rito ng kanyang asawang si Coleen Garcia upang pag-usapan ang kanilang buhay mag-asawa.

advertisement
19 of 30

Ruru Madrid

Upang ma-promote ang kanilang pelikula na 'Video City: Be Kind, Please Rewind,' pumunta sa 'It's Showtime' sina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

20 of 30

Bianca Umali

Kinakabahan man, excited si Bianca Umali na magsayaw sa stage ng 'It's Your Lucky Day.'

21 of 30

K Brosas

Nagkaroon ng reunion sina K Brosas at Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda.' Si Tito Boy ang dating manager ni K.

advertisement
22 of 30

Alden Richards

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita si Alden Richards sa 'It's Showtime' kasama si Megastar Sharon Cuneta para i-promote ang kanilang pelikulang "Family of Two."

23 of 30

Michael V and Manilyn Reynes

Ginulat nina Michael V at Manilyn Reynes ang madlang people nang magkaroon sila ng surprise guest appearance sa kaarawan ni Ogie Alcasid.

24 of 30

Ken Chan

Ipinakita naman ni Ken Chan sa 'It's Showtime' ang kanyang dance moves nang sayawin niya ang 'Seven' ng Korean superstar na si Jungkook.

advertisement
25 of 30

Julia Montes

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' deretsahang tinanong ni Tito Boy si Julia Montes kung engaged na nga ba sila ni Coco Martin.

26 of 30

Andrea Torres

Unang beses napanood ng mga tao si Andrea Torres sa 'It's Showtime' ngayong 2023 ngunit paliwanag niya ay hindi ito ang unang beses na tumapak siya sa stage ng noontime show dahil pumupunta siya rito noong bata pa siya.

27 of 30

MC at Lassy

Kilala ang komedyanteng sina MC at Lassy bilang dalawa sa mga magagaling na komedyante ngayon at para sa kanila, legacy sila ng nag-iisang Vice Ganda.

advertisement
28 of 30

Joem Bascon

Ngayong 2023, napanood ang aktor na si Joem Bascon sa GMA series na 'Black Rider' ngunit hindi rito natatapos ang paglabas ni Joem sa Kapuso shows dahil magiging parte siya ng upcoming series na 'Asawa Ng Asawa Ko.'

29 of 30

Joross Gamboa

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' inamin ni Joross Gamboa na wala siyang balak pumasok sa pag-aartista noon dahil "nababaduyan" siya rito.

30 of 30

Mark Bautista

Nagkaroon ng duet si Mark Bautista nang bumisita siya sa 'It's Showtime' kasama si Erik Santos. Bukod dito, naging hurado rin si Mark sa TNT Duets at ipinagpatuloy niya ito hanggang ngayon.

advertisement