Showbiz News

Alamin ang tunay na love story nina Shamcey Supsup at Lloyd Lee sa 'Tunay na Buhay'

By FELIX ILAYA
 
With a booming business and a baby on the way, wala na sigurong mas sasaya pa kina Shamcey Supsup at ang kaniyang asawa na si Lloyd Lee. Ngunit papaano ba sila nagkakilala at naging Mr. and Mrs. Lee? 
 

Nakapanayam ni Rhea Santos ang mag-asawa sa Tunay na Buhay at kanilang nilahad ang kuwento ng kanilang first meeting.
 
Matatandaan noong taong 2011 lumahok si Shamcey sa Bb. Pilipinas at kinoronahan bilang Miss Universe-Philippines. Sa pagsapit ng kaniyang birthday noong taon na iyon, doon niya nakilala si Lloyd Lee na pinsan pala ng kaniyang competitor na siyang naging tulay sa pag-iibigan ng dalawa.
 
Ayon kay Shamcey, "On my birthday, I met him [Lloyd] on my party, May, after Bb. Pilipinas. All the Binibinis are ganging up on him and telling him 'Ligawan mo na, ligawan mo na.'"
 
Dagdag naman ni Lloyd, "Noong gabi na 'yon [dala ng] peer pressure."
 
Saksi ang mga fellow pageant queens ni Shamcey na sina MJ Lastimosa at Venus Raj ang pag-usbong ng relationship ng dalawa.
 
Inamin ni MJ na, "I think it was love at first sight talaga for them. Isa ako sa mga sumulsol kay Shamcey na siya na (pertaining to Lloyd). 'Pag pinalampas mo 'to, wala ka nang mahahanap na isa pang Lloyd in the universe."
 
Sabi naman ni Venus, "'Pag pinagsama silang dalawa, talagang parang kamay, it just fits the gap between each finger, so nakakatuwa kasi 'yung relationship nila it just really matched with each other."
 
Sa anim na buwan nilang pagsasama, nag-propose kaagad si Lloyd kay Shamcey.
 
Aniya, "We expressed to each other na if we want this to work then sige, bigyan na natin ng plano. [From] Six months then we're gonna try for two years, if kami pa, magpapakasal kami."
 
Inamin din ni Shamcey na first boyfriend niya si Lloyd.
 
"The point that I had him as my boyfriend, it was already an affirmation of my intention of marrying him."
 
Maliban sa church wedding, inobserve din nila ang Chinese marriage traditions ng family ni Lloyd and they performed the "Tenghun" kung saan kailangan maglakad ng bride backwards para mataboy ang mga masasamang espiritu. 
 
Tinuturing ni Shamcey na happiest day of her life ang first day nila bilang mag-asawa.
 
"I would always say that's like the happiest day of our life; the day after [the wedding]. Sa amin kasi the very important part of it is that everything has led you to that point."