Showbiz News

Tessie Tomas at Buboy Villar, magsasama sa isang indie film ngayong Nobyembre

By AL KENDRICK NOGUERA


Isang napakagandang kuwento ang ihahatid ng indie film na 'Old Skool' sa mga manonood ngayong Nobyembre at tampok dito ang natatanging pagganap nina Kapuso stars Tessie Tomas at Buboy Villar.


New Old Skool the Movie Trailer with Playdate

Join Lola Fely as she journeys back to school on November 4, 2015 in SM cinemas nationwide! #oldskoolthemovie

Posted by Old Skool on Tuesday, October 13, 2015

Gagampanan ni 'Buena Familia' star Tessie Tomas ang role ni Lola Fely, isang 69 taong gulang na biyuda na gustong abutin ang kanyang pangarap na makatapos ng Grade 6.
 
Makakasama ng batikang aktres ang 'The Half Sisters' star na si Buboy Villar bilang si Buboy, ang bully na magiging kaklase ni Lola Fely.
 
Sa direksyon ni Cia Hermosa-Jorge, mapapanood ang natatanging pagganap nina Tessie at Buboy sa 'Old Skool' simula November 4 sa SM cinemas nationwide.