Showbiz News

Regine Velasquez, ikinuwento ang Halloween preparations with son Nate

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Ngayong Halloween, pinaghandaan umano ni Regine Velasquez-Alcasid nang todo ang costume ng kanyang anak na si Nate.
 
Ayon sa Asia's Songbird, hindi siya masyadong nakapag-prepare sa unang Halloween costume ni Nate.
 
Aniya, "I remember Nate's first trick or treat hindi ako masyadong prepared so binilhan ko lang siya ng some outfit from the mall. Isa siyang ladybug. He was I think 9 or 10 months that time. I was a little busy doing things, working. So 'yun lang ang naisipan ko."
 
Ngayong malaki na si Nate, siya na mismo umano ang nag-decide ng costume na gusto niya.  
 
 
Pahayag ng Sarap Diva host, "Now that he's going to be four. Medyo involved na siya so this year he said he wants to be a pilot. So, 'yan ang pinaghandaan ni mommy."
 
Bilang isang magulang, pinaghahandaan din daw ni Regine ang mga bibisita na kids ngayong Halloween sa kanilang tahanan. 
 
"Even the treats, I'm also thinking of what to give the kids already as early as now. Kasi sa village namin talaga ang dami daming nag-a-attend na mga bata para mag-trick or treat." 
 
READ: Ogie and Regine Alcasid, proud sa kanilang baby pilot