Showbiz News

Aljur Abrenica on his role in 'Dangwa': 'What I can give is justice to every character I will play'

By MARAH RUIZ
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
"Long time no see! Na-miss ko kayo," panimulang bati ni Aljur Abrenica sa media nang umupo siya para sa interview ng bagong morning drama anthology ng GMA, ang Dangwa

PHOTOS: Stars of 'Dangwa' face the press 
 
Ayon sa kanya, masayang-masaya siya na mapabilang sa cast ng Dangwa bilang si Lorenzo, isa sa mga nais makabihag ng puso ni Rosa (Janine Gutierrez). 
 
"I feel so blessed and I'm thankful po sa naging journey ko. Finally, I'm here again," bahagi nito. 

Huling nag-guest si Aljur sa top-rating Afternoon Prime soap na The Half Sisters.
 
"I was never out naman eh. I've always been Kapuso," dagdag niya. 
 
Ano naman kaya ang dapat asahan kay Aljur sa pagbalik niya bilang isang leading man?
 
"What I can give is justice to every character I will play," pangako niya. 
 
Panoorin si Aljur bilang Lorenzo sa Dangwa, Lunes hanggang Biyernes bago ang The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace sa GMA!