Showbiz News

Carla Abellana at Gabby Concepcion, sumabak sa unang taping day ng 'Because of You'

By CHERRY SUN
 
Excited sina Carla Abellana at Gabby Concepcion sa kanilang unang araw ng taping para sa upcoming Kapuso primetime soap na 'Because of You.' Dati nang nagkasama sa isang pelikula ang dalawang artista at tila reunion project daw ito para sa kanila.
 
LOOK: Carla Abellana and Gabby Concepcion join forces for an upcoming primetime series 
 
Papuri ni Carla sa kanyang co-star ay wala raw itong ipinagbago. Wika niya sa panayam ng 24 Oras, "He’s still very approachable. Warm pa din siya, kwela, palabiro."
 
Napansin naman ng beteranong aktor na may ipinagbago sa Kapuso actress. Sambit niya, "Gumanda siya lalo. Tsaka alam ko nung nakilala ko siya, iba boyfriend niya eh."
 
"Blooming. Oo, syempre in love eh," dagdag pa niya.
 
Nagbahagi rin sina Carla at Gabby ng ilang detalye tungkol sa bago nilang project.Tungkol ito sa tunay na pag-ibig sa harap ng iba’t ibang pagsubok.
 
"Walang pinipiling edad ang pagmamahal. Walang pinipiling status sa buhay. Anything is possible," kuwento ni Carla.
 
"Excited nga ako eh. I even dressed up for the occasion. First day ko, ganado ako," dugtong naman ni Gabby.
 
Bilang paghahanda, nag-concentrate daw si Carla sa pag-e-exercise para mabawasan ng five inches ang kanyang waistline habang tinutukan din ni Gabby ang kanyang pagkain.
 
"I’m careful with what I eat and what I drink. I exercise, a little bit of everything," sambit ng aktor.