Showbiz News

4 things we didn't know about Jackie Lou Blanco sa 'Tunay na Buhay'

By FELIX ILAYA
 
Nakasama ng Tunay na Buhay host Rhea Santos ang beteranang aktres na si Jackie Lou Blanco at nakakuwentuhan siya tungkol sa kaniyang buhay. Kahit matagal na sa mundo ng showbiz si Jackie, marami pa pala tayong hindi alam tungkol sa kaniya at isa na riyan ang nangyaring pag-kidnap sa kaniya ng kaniyang sariling ama.
 
 
Hiwalay ang ina ni Jackie na si Pilita Corales sa kaniyang ama.
 
Aniya "When I was a year old, I was kidnapped by my own father. Dumeretso na kami sa airport, he has the signature of my mom forged."
 
Dinala siya ng kaniyang ama sa America habang ang kaniyang ina naman ay laging pumupunta sa National Bureau of Investigation o NBI upang ma-trace kung nasaan sila. Nang naibalik si Jackie kay Pilita, hindi na kinasuhan ng Asia's Queen of Song ang kaniyang ama.
 
Ayon sa kaniyang ina, "My mom did not file any charges because I know why he did that, he loved Jackie so much."

Panoorin ang tatlong bagay na hindi n'yo pa alam tungkol kay Jackie Lou sa video na ito: 
 
Video courtesy of GMA News and Public Affairs