Showbiz News

Kilalanin ang mga lalaki sa buhay ni Rosa sa 'Dangwa'

By FELIX ILAYA
 
First few episodes pa lang ng Dangwa pero tiyak na marami na sa atin ang kinikilig! 
 
Mayroong responsibilidad si Rosa na ginagampanan ni Janine Gutierrez na mabigyan ng happily ever after ang mga bumibisita ng kaniyang store na Keri Bloom Bloom ngunit dahil sa pagka-busy niya para sa iba, mapapansin niya kaya ang pagtingin ng dalawang lalaki sa paligid niya? 
 
WATCH: Ang kuwento ni Rosa sa 'Dangwa' 
 
 
Kilalanin si Lorenzo, ang matipunong furniture designer na sa kasamaang palad ay heartbroken. Araw-araw siyang bumibili ng white roses sa Keri Bloom Bloom upang suyuin ang kaniyang ex-girlfriend at dahil dito, magkakakilala sila ni Rosa.
 
READ: Aljur on 'Dangwa' role: "What I can give is justice to every character I will play"
 
Nariyan din si Baste, ang playboy na delivery boy at katuwang ni Rosa sa pagpapatakbo ng flower shop. Ngunit sa pagdating ng matipunong si Lorenzo sa Dangwa, mare-realize ni Baste na mayroon pala siyang pagtingin kay Rosa.
 
Ayon kay Mark Herras na gumaganap bilang Baste, "Noong dumating si Lorenzo sa Dangwa at naging close sila ni Rosa, doon 'yung simula na malalaman niya [ni Baste] na 'Mayroon pala akong lihim na pagtingin sa aking best friend [si Rosa].' So gagawin ni Baste ang lahat para lang makipag-kompetensiya kay Lorenzo."