Showbiz News

Pauleen Luna, ni-reveal kung sino ang gagawa ng kanyang dream wedding gown

By AEDRIANNE ACAR
 

Nagbigay ng ilang detalye ang Dabarkads host na si Pauleen Luna tungkol sa dream wedding nila ni Vic Sotto sa taong 2016.
 
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras ngayong Miyerkules ng gabi (October 28), nabanggit ng actress/host na magiging part ng kanilang entourage sina Ruby Rodriguez at beauty queen na si Pia Wurtzbach.
 
READ: Save The Date cards para sa kasalang Vic Sotto-Pauleen Luna, handa na
 
Ayon kay Pauleen, “Si Ruby Rodriguez is my matron of honor and then si Binibining Pilipinas Universe natin si Pia Wurtzbach is one of my bridesmaids.”
 
Aminado ang Eat Bulaga host na gusto nilang maging private ang kasal nila ni Vic Sotto kaya pawang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang kanilang inimbitahan.
 
“Kasi ah the point is [we] really wanted to be private and solemn and simple. Parang ano para maramdaman talaga namin kung ano ‘yung okasyon,’ sambit ng aktres.
 
Ni-reveal din niya na ang renowned fashion designer na si Francis Libiran ang tatahi ng kanyang simple yet elegant wedding dress.
 
Nilinaw rin ni Pauleen na bagama’t gusto niya maging private ang kasal niya sa 2016, magiging open pa rin sila sa members ng press.
 
Aniya, “'Yung news will be there and then for ‘yung sa iba siguro natin kaibigan sa press mamimigay naman kami ng mga pictures, ng materials. And siguro ‘yung mga video materials.”
 
Video courtesy of GMA News