Showbiz News

Marian Rivera, ipinakita ang 36 weeks pregnant belly

By MARAH RUIZ
 
Pinasilip ni Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram account ang kanyang photo shoot para sa isang magazine.
 
Thirty-six (36) weeks pregnant na si Marian, at proud niyang ipinakita ang kanyang baby bump habang naka black bikini top. 
 

Nakapanayam ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sina Marian at mister niyang si Dingdong Dantes nang dumalo sila sa isang film festival sa Quezon City. 
 
"Siyempre nakakatuwa kasi napaka-hands on niya sa lahat ng bagay. Sabi ko nga, nung nabuntis ako hanggang ilang weeks na ko? 36 weeks. Nandun siya palagi. Sobrang thankful lang talaga," pahayag ni Marian. 
 
READ: Silipin ang nursery ni Baby Letizia
 
"Mula nung nalamin namin na buntis siya, bawat hakbang talaga sborang mahalaga para samin," dagdag naman ni Dingdong. 
 
READ: Marian Rivera goes on maternity leave
 
Dahil nalalapit na din ang due date ni Marian, minabuti niyang mag-maternity leave muna mula sa hit comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
 
"Siyempre kailangan kong mag-rest. Kailangan kong alagaan 'yung anak ko," pagtatapos ni Marian.