Showbiz News

Ruru Madrid at Buboy Villar, ikinuwento ang mga nakakatakot na engkuwentro sa mga multo

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Tuwing sasapit ang buwan ng kababalaghan, mayroong kanya-kanyang nakakatakot na istorya ang mga taong naranasan nang makakita ng mga multo at kabilang rito ang The Half Sisters stars na sina Ruru Madrid at Buboy Villar.
 
LOOK: Kalye-serye inspired costume ng mga 'Unang Hirit' hosts
 
Ikinuwento ng dalawang aktor ang nakakapanginig na engkuwentro nila sa mga nilalang na hindi lahat ng tao ay pinapakitaan. Narito ang kanilang mga nakakapanindig-balahibong kuwento.
 
Ruru Madrid
 
Illustration by Karl Panal
 
"Bata pa ako noon. 'Yung kuwarto ko kasi second floor tapos sa baba may office. Sabi ng Mommy ko, check mo nga kung naroon 'yung Daddy mo. Pag-check ko sa baba, walang ilaw, nakapatay. May bintana roon. Then pagbukas ko ng ilaw, may [lumantad] na mukha sa bintana. Walang mukha pero may buhok. Ang ginawa ko, tumakbo ako. Nagpasama ako sa kapatid ko, tapos 'yon wala namang tao. Kitang-kita ko talaga."
 
Buboy Villar
 
Illustration by Karl Panal
 
"Kaming magkakapatid, nasa kuwarto kami. Tapos 'yung CR kasi namin inaayos kasi 'yon tapos may silipan. Naglokohan kami na mag-video kami na baka may makita raw kami sa banyo. Tapos pagtingin namin sa cellphone wala. Tapos one time, pagtingin niya sa may CR, may bata raw na sumilip. Pagtingin ko, nakita ko rin. Hindi ko nakita 'yung mukha, anino na. Korteng bata."
 
LOOK: Raymart Santiago and Yasmien Kurdi in 'Magpakailanman's Halloween episode