Showbiz News

Derrick Monasterio, bittersweet sa 'The Half Sisters?'

By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by CHERRY SUN
 
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Kapuso singer-actor Derrick Monasterio nang tanungin siya ng GMANetwork.com tungkol sa kanyang show noon na 'The Half Sisters.' Masaya siya dahil malayo na ang narating ng teleserye ngunit nami-miss niya rin ito.
 
 
Kabilang si Derrick sa original cast ng nangungunang Afternoon Prime soap mula nang mag-launch ito noong 2014. Ang character niyang si Baste ang isa sa love interests ni Diana, ang role na ginagampanan ni Barbie Forteza. Mahaba rin ang itinakbo ng istorya ni Baste ngunit 'di kalaunan ay binawian siya ng buhay.
 
READ: Ruru Madrid, tinanggap ang 'The Half Sisters' dahil kay Barbie Forteza?
 
"Well oo siyempre nakaka-miss po 'yung staff. Pero 'yung cast, lagi ko naman silang nakikita. Lagi kaming nagkikita-kita [nina] Andre, Barbie [at] Thea," saad ni Derrick.
 

Hinahanap-hanap din daw ng katawan ni Derrick ang taping. Aniya, "Tsaka 'yung trabaho siyempre, 'yung puyatan. Nakaka-miss din po 'yung character [ko.]"
 
Sa tagal ng 'The Half Sisters' sa telebisyon, nagulat na lang daw si Derrick nang malaman ang itinatakbo ng istorya. "Oo nga po, may ikinasal na. Next time, may anak na 'yan," pagtatapos niya.