Showbiz News

'If there's someone I want to be in this industry, my first choice is Tito Eddie [Garcia]' - Hiro Peralta

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Muling magkakaroon ng chance na makatrabaho ni Kapuso actor Hiro Peralta ang iniidolo niyang si Eddie Garcia dahil sa 'Little Nanay.'
 
Ayon kay Hiro, hindi ito ang unang pagkakataon na makasama niya sa isang proyekto ang batikang aktor. "My first time working with him is in 'Iglot.' Nag-guest siya dun. Naka-work ko siya nang two weeks at ang dami kong natutunan. He's very professional," bahagi niya.
 
READ: Hiro Peralta, matutupad na ang pangarap na masampal ni Nora Aunor
 
Bukod pa sa 'Iglot,' nakasama rin ni Hiro si Eddie sa indie film na 'Tomodachi.' "Actually hindi kami nagkaroon ng eksena but we're in the same set so I had the chance to talk to him. I observed kung ano 'yung ginagawa niya and that's what I'm trying to apply," bahagi niya.
 
WATCH: Nora Aunor at Eddie Garcia, magpapatawa sa 'Little Nanay'
 
Ano-ano ba ang napansin ni Hiro kay Eddie? "Hindi siya 'yung pa-star. Talagang he knows what he wants. Parang kaunting mali lang with his clothes, sa lines, pinapaayos niya talaga. He's very hands on with what he's doing," anang 'Little Nanay' star.
 
"If there's someone I want to be in this industry, my first choice is Tito Eddie," pagtatapos ni Hiro.
 
WATCH: Ang masayahing cast ng 'Little Nanay'