Showbiz News

Netizens, kinilig sa pagpasok ni Kristoffer Martin sa 'Buena Familia'

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Inabangan ng 'Buena Familia' viewers ang pagpasok ni Kapuso actor Kristoffer Martin sa Afternoon Prime soap kahapon, November 2. 
 
Ang character ni Kristoffer ay si Zach, isang miyembro ng sikat na boy band na makikilala ni Darling na ginagampanan naman ni Julie Anne San Jose. 
 
Sa pagpasok ni Zach sa eksena, magkakaroon ng karibal kay Darling si Kevin na binibigyang buhay ni Jake Vargas.
 
Based sa tweets ng netizens, naging positive ang kanilang pagtanggap sa bagong love interest ni Darling.

 
WATCH: Sino ang na-starstruck kina Zach at Darling sa kanilang unang pagkikita?