TV

Kim Rodriguez recalls her 'Karelasyon' experience

By MICHELLE CALIGAN
 
"Ay naku, antagal naming gawin 'yun ah!"
 
Ito ang patawang sagot ni Kim Rodriguez nang kamustahin ng GMANetwork.com ang Karelasyon episode nila ng loveteam partner na si Kiko Estrada. Gumanap ang dalawa bilang magkapatid na nagkaroon ng bawal na relasyon.
 

"Kinausap muna kami ni Direk, pero siyempre, nag-usap muna kami [ni Kiko]. 'Ano, gagawin ba natin ito? Kaya ba natin bago natin tanggapin 'yung show?' Kasi kung hindi naman pala namin kayang gawin tapos tatanggapin namin, pangit ang kakalabasan."
 
Sulit naman daw ang pagtanggap nila sa project dahil positive feedback naman ang kanilang nakuha.
 
"Okay naman siya, naging maganda ang kinalabasan, at ang daming magagandang feedback."
 
Ano naman ang masasabi niya sa kuwento?
 
"Sobrang naloka ako! Talagang totoo pala 'yun, may nangyayaring ganun. Mahirap sa magulang ang ganung sitwasyon."
 
LOOK: 7 kilig moments of Kiko Estrada and Kim Rodriguez