advertisement
Showbiz News

Pinoy celebrities na nagko-crossover sa TV, movies, at theater

1 of 49

Lea Salonga

Unang nakilala si Lea Salonga bilang si Kim ng Miss Saigon ngunit matagal na siyang sumasali sa mga play sa Pilipinas. Sa katunayan, seven years old pa lamang si Lea nang mapabilang siya sa production ng 'The King and I' ng Repertory Philippines. Matapos sumikat sa buong mundo, bumalik ng Pilipinas si Lea at gumawa ng pelikula, ang 'Sana Maulit Muli.'

2 of 49

Rachelle Ann Go

Sa edad na 11, sumali si Rachelle Ann Go sa "Birit Baby" contest ng 'Eat Bulaga,' kung saan pinarangalan siya bilang second runner-up. Makalipas ang ilang taong, nanalo si Rachelle sa talent search ng GMA na 'Search for a Star.' Sa GMA, napanood si Rachelle Ann bilang Lara sa musical drama series na 'Biritera.' Matapos nito, naging kabilang si Rachelle sa 2014 West End revival ng Miss Saigon bilang si Gigi Van Tranh. Simula noon ay tuloy-tuloy na ang naging takbo ng karera ni Rachelle Anne bilang theatre actress.

3 of 49

Sam Concepcion

Matapos manalo sa singing competition na 'Little Big Star,' nagsunod-sunod ang trabaho ni Sam Concepcion sa telebisyon nang bumida siya sa 'Super Inggo' at 'Your Song.' Naging active rin si Sam sa mundo ng teatro nang maging parte siya ng 'High School Musical' sa Pilipinas. Ngayong 2024, bibida si Sam bilang Popoy sa 'One More Chance: The Musical.'

advertisement
4 of 49

Marian Rivera

Kilala si Marian Rivera bilang Primetime Queen ng GMA pero minsan rin siyang bumida sa theatro. Noong 2021, bumida si Marian sa "Password: 03d1pu5_r3x" ng Tanghalang Ateneo, na adaptation ng first play ni Sophocles sa Oedipus trilogy.

5 of 49

Aicelle Santos

Hindi man nanalo sa 'Pinoy Pop Superstars,' naging maningning pa rin ang career ni Aicelle Santos dahil tuloy-tuloy na siyang napanood sa telebisyon muna noon. Bukod rito, naging parte rin si Aicelle sa 'Miss Saigon,' 'Himala: Isang Musikal,' at 'Maynila, sa mga Kuko ng Liwanag.'

6 of 49

Anthony Rosaldo

Taong 2016 nang magsimula si Anthony Rosaldo sumali sa mga singing contest sa telebisyon at simula noon ay regular na siyang napapanood sa GMA. Noong 2023, bumida si Anthony sa hit all-Filipino musical na 'Ang Huling El Bimbo.' Masusundan agad ito ngayong 2024 kung saan bibida siya sa 'Rent' musical.

advertisement
7 of 49

Khalil Ramos

Taong 2023 nang bumida si Khalil Ramos sa musical na 'tick, tick... Boom!' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Jonathan Larson. Bago ito, napanood na si Khalil sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula katulad ng '2 Cool 2 Be 4gotten,' 'Dead Kids,' at 'Love You Stranger.'

8 of 49

Garrett Bolden

Bumida si Garrett Bolden sa 'Beauty and the Beast' musical sa Guam noong 2023, ilang taon matapos siyang sumali sa unang season ng original singing competition ng GMA na 'The Clash.' Bago ito, naging bahagi rin siya ng 'Miss Saigon' sa Guam. Ngayong 2024, inaasahan ang pagiging parte niya sa musical na 'Rent,' kasama ang kapwa 'The Clash' graduates na sina Anthony Rosaldo at Thea Astley.

9 of 49

Thea Astley

Ngayong 2024, bukod sa 'All-Out Sundays' bilang miyembro ng "Queendom,"mapapanood rin si Thea sa 'Rent' musical kung saan gagampanan niya ang karakter ni Mimi.

advertisement
10 of 49

Rita Daniela

Noong 2018, naging kabilang si Rita Daniela sa musical na 'Eto na! Musikal nAPO,' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Anna. Bukod rito, napanood rin si Rita sa ilang programa ng GMA katulad ng 'My Special Tatay' at 'One of the Baes.'

11 of 49

Ken Chan

Bago mapanood sa telebisyon ang aktor na si Ken Chan, nauna niyang minahal ang mundo ng teatro noong nag-aaral pa lamang siya.

12 of 49

Christian Bautista

Matagal nang aktibo sa larangan ng teatro si Christian Bautista at naging parte na rin siya ng productions ng 'West Side Story,' 'Rama Hari,' 'Cinderella,' at 'Ghost: The Musical.'

advertisement
13 of 49

Derrick Monasterio

Taong 2019 nang mapabilang si Derrick Monasterio sa musical na 'Rak of Aegis' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Tolits.

14 of 49

Mark Bautista

Bukod sa pagiging aktibo sa telebisyon, madalas rin napapanood si Mark Bautista sa iba't ibang musical plays katulad ng 'The Full Monty' at 'Here Lies Love' sa London.

15 of 49

LJ Reyes

Taong 2015 nang mangyari ang theatre debut ni LJ Reyes nang mapabliang siya sa 'Juan de Peligro,' ang Filipino adaptation ng Hollywood movie na 'Dangerous Liaisons.'

advertisement
16 of 49

CJ Navato

Ngayong 2024, alternate ni Sam Concepcion si CJ Navato bilang Popoy sa 'One More Chance: The Musical."

17 of 49

Joshua Bulot

Kilala na ngayon si Joshua Bulot bilang frontman ng bandang The Lily, na dati ay kilalang Calla Lily, pero bago pa ito ay nakilala na siya sa mundo ng theatro bilang Tolits sa 'Rak of Aegis.'

18 of 49

Tom Rodriguez

Noong 2012, naging bahagi si Tom Rodriguez ng musical na 'Aladdin' na itinanghal sa Meralco Theatre sa Pasig kung saan ginampanan niya ang titular character.

advertisement
19 of 49

Gian Magdangal

Bago mapanood sa telebisyon, naging expose na si Gian Magdangal sa theater plays nang mapabilang siya sa 'Footloose,' 'The Little Mermaid,' and 'Once On This Island.' Noong 2023, si Gian ang gumanap bilang older Hector sa 'Ang Huling El Bimbo.'

20 of 49

Topper Fabregas

Naunang minahal ni Topper Fabregas ang mundo ng teatro katulad ng 'Ang Huling El Bimbo' at 'RABBIT HOLE' bago siya mapanood sa ilang TV shows tulad ng 'The Lost Recipe' at 'Artikulo 247.'

21 of 49

John Arcilla

Nagsimula ang acting career ni John Articlla nang maging bahagi siya ng Tanghalang Pilipino, the theater company ng Cultural Center of the Philippines.

advertisement
22 of 49

Jerald Napoles

Bago makilala bilang komedyante, naunang nahilig si Jerald Napoles sa pagsasayaw at ito ang naging susi niya para makapasok sa mundo ng teatro. Napabilang siya sa plays na 'Jesus Christ Superstar' at 'Rak of Aegis.'

23 of 49

Kim Molina

Dalawang taon pa lang si Kim Molina nang magsimula siyang kumanta kaya naman hindi nagtagal ay naging parte siya ng 'Disney's Tarzan the Musical.' Kabilang rin siya sa 'Carrie The Musical' at ang musical adaptation ng pelikulang 'Ghost.'

24 of 49

Eugene Domingo

Bago maging kilalang komedyante, sa tanghalan naunang napanood si Eugene Domingo bilang miyembro ng Dulaang UP.

advertisement
25 of 49

Divine Aucina

Bago mapanood sa telebisyon, umaarte na sa teatro si Divine Aucina sa shows ng PETA.

26 of 49

KD Estrada

Bumida si KD Estrada sa play ng PETA na 'Walang Aray' noong 2023. Ang 'Walang Aray' ay ang adaptation ng 'Walang Sugat,' ang zarzuela na sinulat ni Severino Reyes noong 1898.

27 of 49

Alexa Ilacad

Bata pa lang ay napapanood na sa telebisyon si Alexa Ilacad pero noong 2023 ay napanood na rin siya sa entablado sa 'Walang Aray' musical.

advertisement
28 of 49

Pepe Herera

Isa rin ang komedyante at aktor na si Pepe Herera sa gumanap na Tolits sa original Pinoy musical na 'Rak of Aegis.'

29 of 49

Myke Salomon

High school pa lamang ay parte na si Myke Salomon ng plays na 'Jack and the Beanstalk' at 'Cinderella.' Ngayon, si Myke na ang musical director ng iba't ibang theater plays katulad ng 'Rak of Aegis,' '3 Stars and a Sun,' 'Ako si Josephine,' at 'Ang Huling El Bimbo.'

30 of 49

Nonie at Shamaine Buencamino

Hindi lang sa telebisyon pinapamalas ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino ang kanilang galing sa pag-arte dahil tinitingala rin sila sa mundo ng teatro bilang isa sa mga haligi nito sa Pilipinas.

advertisement
31 of 49

Kakai Bautista

Sa pamamagitan ng teatro nadiskubre si Kakai Bautista nang maging parte siya ng 'Alikabok' noong 2003.

32 of 49

Renz Verano

Kilala nang mang-aawit si Renz Verano nang maging parte siya ng 'Rak of Aegis' bilang si Kiel.

33 of 49

TJ Trinidad

Naging parte si TJ Trinidad ng production ng play na 'The Normal Heart,' kung saan ginampanan niya ang karakter ni Bruce Niles, isang closeted gay na pinangungunahan ang isang organisasyon na lumalaban sa isang misteryosong sakit.

advertisement
34 of 49

Lotlot De Leon

Taong 2016 nang maging parte si Lotlot De Leon ng cast ng 'Run Marga Run.'

35 of 49

Vivoree Esclito

Bahagi si Vivoree Esclito ng 'Tabing Ilog: The Musical' bilang Eds, ang karakter ni Kaye Abad. Naunang nakilala si Vivoree ng publiko nang sumali siya sa isang reality competition.

36 of 49

Jelson Bay

Isang kaibigan ni Jelson Bay ang nag-udyok sa kanyang mag-audition sa Tanghalang Pilipino at dito nagsimula ang kanyang karera sa larangang ng teatro. Naging parte siya ng 'Bombita' at 'Sa Philcoa Obeparas.'

advertisement
37 of 49

Rafa Siguion-Reyna

Kilala ang pamilya ni Rafael Siguion-Reyna ngunit sinigurado niyang makakagawa siya ng sarili niyang pangalan. Naging bahagi si Rafa ng ilang musikal sa Pilipinas katulad ng 'Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag' at 'Ang Huling El Bimbo.'

38 of 49

Benj Manalo

Anak ni Jose Manalo si Benj Manalo pero nakagawa siya ng sarili niyang pangalan sa show business nang gampanan niya ang karakter ni Tolits sa 'Rak of Aegis.'

39 of 49

Nikki Gil

Bago maging content creator at aktres, naging parte muna si Nikki Gil ng 'Seussical the Musical,' 'Legally Blonde, The Musical,' at 'The Last 5 Years.'

advertisement
40 of 49

Jett Pangan

Binabalanse ni Jett Pangan ang pagiging frontman ng bandang The Dawn at ang kanyang career bilang isang stage actor. Naging parte si Jett ng musicals na 'Jesus Christ Superstar,' 'Jekyll and Hyde and Nine,' at 'Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street."

41 of 49

Anji Salvacion

Sa 'Tabing Ilog: The Musical,' gagampanan ni Anji Salvacion si Corrine, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Desiree del Valle.

42 of 49

Marika Sasaki

Naging parte si Marika Sasaki sa theatre musical na 'Eto na! Musikal nAPO!' kasama sina Rita Daniela at Mark Bautista.

advertisement
43 of 49

Joey Paras

Bago sumikat sa pelikula at telebisyon, una nang naging theatre actor ang yumaong si Joey Paras nang mapabilang siya sa 'Bawal Tumawid, Nakakamatay,' 'Zsazsa Zaturnnah,' 'Noli Me Tangere,' at 'El Filibusterismo.'

44 of 49

Eula Valdes

Kilala si Eula Valdes bilang isang kontrabida pero minsan ay binigyang buhay niya rin ang super hero na si Zsazsa Zaturnnah sa isang musical.

45 of 49

Guji Lorenzana

Bukod sa pagiging modelo, naging parte din si Guji Lorenzana ng isang musikal katulad ng 'West Side Story,' at 'Grease.'

advertisement
46 of 49

Nar Cabico

Nagsimula si Nar Cabico bilang assistant stage manager ng 'Zsazsa Zaturnnah' pero hindi kinalaunan ay nabigyan siya ng big break nang maging parte siya ng play nang palitan niya ang isang miyembro na na-injure.

47 of 49

Irma Adlawan

Taong 1983 pa lang ay umaarte na sa entrablado si Irma Adlawan bilang miyembro ng Dulaag UP.

48 of 49

Ice Seguerra

Nagulat ang maraming tao nang magsuot ng bikini si Ice Seguerra sa play na 'Rock of Ages' noong 2013. Kilala si Ice bilang isa sa maraming alumni ng 'Little Miss Philippines.'

advertisement
49 of 49

Iya Villania-Arellano

Bago makilala sa mundo ng telebisyon, bumida si Iya Villania-Arellano sa musical version ng hit romantic comedy film na 'The Wedding Singer' kasama si Gian Magdangal.