Showbiz News

Jake Vargas, last dance ni Bea Binene sa kanyang debut?

By BEA RODRIGUEZ
 
Happy 18th birthday, Bea!
 
 
Simple pero elegante ang tema ng debut ng Kapuso star at dating 'StarStruck Kids' finalist na si Bea Binene.
 
READ: Jake Vargas, dadalo sa debut party ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Binene? 
 
Dumalo sa selebrasyon kagabi ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas ngunit wala itong special role. Nag-iwan ng mensahe ang aktor sa report ng 'Unang Hirit,' "Sana maging malawak pa ang pag-iisip mo sa lahat ng bagay. Happy 18th birthday! Sana maging masaya ka [at] good luck sa lahat-lahat."
 
 
Napag-alaman sa kanyang press conference noong October 26 na kapwa Kapuso stars na sina Alden Richards at Kristoffer Martin ang magiging first and last dance sa kanyang debut.
 
READ: Alden Richards at Kristoffer Martin, first and last dance sa debut ni Bea Binene 
 
Base kay Lhars Santiago, ang Pambansang Bae ang nagtapos ng '18 Roses Dance' ng debutante. Inilarawan niya pa ang aktres, "I love Bea [because she is] one of the sincerest persons in show business [kasi] walang pretensions. Hindi niya ginagawa ang showbiz ng showbiz, [and] that’s what I like about her."
 
Kabilang sa kanyang nakasayaw ay sina Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Ken Chan, Enzo Pineda, Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, at Ruru Madrid.
 
READ: Ilang Kapuso stars, may big roles sa debut ni Bea Binene