NARITO ANG ILAN PANG LOCAL CELEBRITIES NA LOOK-ALIKES NG KOREAN STARS
Parehong fresh ang awrahan ni Ultimate Star Jennylyn Mercado at ang 'Descendants of the Sun' korean actress Song Hye Kyo! Kaya naman pala napili ang Kapuso actress na gumanap bilang si Dr. Maxine sa Philippine adaptation ng nasabing Korean drama.
Isa sa pinakakilalang aktres sa South Korea si Song Hye Kyo. Maliban sa kanyang pagganap sa 'Descendants of the Sun,' kilala rin siya sa kanyang roles sa 'Autumn in My Heart' at 'Full House.' Noong 2017, kinilala si Song Hye Kyo sa Korea Power Celebrity list ng Forbes Magazine.
'Di rin mapagkakaila ang ganda ni Angel Locsin at ang Korean singer na si Jeongyeon ng K-pop group na Twice. Ayon sa fans, maaring twins ang dalawa.
Isa si Yoo Jeong Yeon, o mas kilala bilang Jongyeon, sa 9-member group na Twice. Kabilang si Jongyeon sa top 20 most popular idols sa South Korea, kasama ang kanyang bandmate na si Nayeon.
Maraming fans din ang nagsasabi na kamukha raw ng aktres na si Liza Soberano ang K-pop singer na si Nancy McDonie ng Momoland.
Si Nancy ay isang mang-aawit sa South Korea na kasalukuyang kasama sa K-pop girl group na Momoland. Isa siyang Half-Korean, Half-American, kung saan ang kanyang ama ay dating US Army major.
May mga nakapansin na magka-hawig si Gil at Kim Soo-hyun, lalo na pag-short hair si Gil.
Mayroon din iba na nagsasabi na kamukha ni 'You're My Foreignoy' contestant Richard Juan si Kim Soo-hyun.
Ang aktor na si Kim Soo-hyun ay nakilala internationally dahil sa kanyang mga pinagbidahang dramas, namely Dream High, Moon Embracing the Sun, at My Love from the Star.
Nang ipalabas ang Descendants of the Sun, may ibang nakapansin na kamukha ni Rocco ang aktor na si Jin Goo.
Si Jin Goo ay gumaganap ngayon bilang Diego sa currently airing Koreanovela sa GMA, ang Descendants of the Sun.
Si Ralph Noriega ay naging parte ng Poor Señorita, ngayon naman ay kasama siya sa cast ng Someone to Watch Over Me.
May similarities ang features ni Ralph at si Vernon, isang member ng Korean boy group called Seventeen.
In terms of style, medyo similar ang tastes ng rapper na si Kris Lawrence kay Taeyang. Napansin din ng iba na may pagkakahawig silang dalawa.
Si Taeyang ay parte ng Korean boy group na Big Bang.
Sumikat si Carrot Man (real name: Jeyrick Sigmaton) dahil sa kanyang viral photo na tila very Korean-looking ang kanyang peg doon.
Isa si Lee Min-ho sa sinasabing kamukha ni Jeyrick sa kanyang litrato.
Pwede na ba gumanap si Jak bilang Philippine version ni Healer sa The Healer?
Si Ji Chang-wook ang gumaganap bilang si Healer sa The Healer.
Pwede na atang gumanap si Rita Daniela bilang Cho Soo Hyang
Kilala si Cho Soo Hyang sa Korean drama na 'Who Are You: School 2015' at para sa ginanapan niya sa pelikulang 'Wild Flowers' kung saan nanalo siya bilang Actress of the Year sa 19th Busan International Film Festival.
Isang big fan ng K-beauty si Kapuso actress Kris Bernal. E, K-drama rin kaya?
Isa si Lee Da Hae sa mga prominenteng aktres sa South Korea. Gumanap siya sa K-drama na 'My Girl,' 'Green Rose,' 'The Slave Hunters, ' at 'Miss Ripley.'
May ilang fans na nagsasabing kamukha raw ni Darren Espanto si RM, ang lider ng Korean boy group na BTS.
Si Kim Namjoon ang lider at main rapper ng boy group na BTS. Kilala siya bilang isa sa composers ng grupo.
Kapuso Primetime Queen, bagay rin maging Kapuso K-drama Queen.
Naging kilala si Lee Young-ae sa Korea dahil sa kanyang pagganap sa historical drama na 'Dae Jang Geum' o 'Jewel in the Palace,' isa sa mga K-drama na idinub sa Tagalog at ipinalabas sa Kapuso Network.
May ibang nakapasin na kamukha ni JM de Guzman ang K-Pop singer na si Choi Minho.
Si Choi Minho ay isang miyembro ng K-pop boy group na Shinee. Isa rin siyang aktor na gumanap sa 'Hwarang: The Poet Warrior Youth' kasama si Park Seo Joon.
Sino pa nga ba ang kamukha ni Kuya Kim? E 'di ang K-drama actor na si Gong Yoo!
Isang prominenteng aktor si Gong Ji-cheol o mas kilala bilang Gong Yoo. Gumanap na siya sa iba't ibang drama tulad ng 'Coffee Prince' at 'Guardian: The Lonely and Great God.' Siya rin ang bida sa sikat na movie na 'Train to Busan.'
Kami lang ba o kamukha ni Dionne Monsanto si K-drama actress Kwon Na-ra?
Kapansin pansin rin ang pagkakatulad ng features ni Bianca Umali sa aktres na si Kwon Nara.
Ang recent K-drama project ni Kwon Nara ay ang 'Itaewon Class' kung saan gumanap siya bilang si Oh Soo Ah.
Maraming netizens ang nagasasabing kamukha ni Kapuso actress Kylie Padilla ang Korean actress na si Han So Hee ng 'The World of Married.'
Mayroon din naman ilan na nagsasabing pwede maging kapatid ni Cassy Legaspi si Han So Hee. Identical twins? Sorry, Mavy!
Nakilala si Han So Hee sas JTBC drama na The World of Married bilang si Yeo Da Kyung. Pero alam niyo ba na nagsimula siya sa pag-arte noong 2016 sa music video ng K-pop group na SHINee na “Tell Me What To Do?”
Parehong fresh na fresh ang look ni Jean Garcia at ni Korean actress Kim Hee Ae ng 'The World of Married.'
Nakilala si Kim Hee Ae sa ilang popular Korean dramas tulad ng 'Sons and Daughters' noong 1992, 'Perfect Love' noong 2003, 'A Wife's Credentials' noong 2012, at 'The World of Married' ngayong 2020.
May mga ilang ReVeluvs ang nagsasabing kamukha ni Jean Garcia ang Red Velvet member na si Irene!
Kuhang kuha ni Kim Chiu ang look ni ITZY member Yeji sa kanyang 'Not Shy' dance cover.
Miyembro ng girl group na ITZY si Hwang Yeji o mas kilala bilang Yeji. Kilala ang ITZY sa ilang popular K-pop songs tulad ng 'DOLLA DOLLA,' 'ICY,' at ng 'WANNABE.'
May ilang fans ang nagsasabi kay Kapuso actress Kisses Delavin na kahawig niya ang Korean actress na si Yoo In-na.
Nagsimula sa entertainment industry si Yoo In-na noong siya'y 16 years old pa lamang. Nakilala siya sa South Korea sa pagganap sa ilang supporting roles tulad ng 'High Kick! Through the Roof,' 'Secret Garden,' at 'My Love From the Star.'
'Di man sila magkahawig sa personal, kuhang-kuha naman ni Ruru Madrid ang overall look ni BTS member V o Kim Taehyung sa OOTD na ito.
Isang vocalist si Kim Taehyung sa K-pop boy group na BTS na nag-debut noong 2013 sa ilalim ng South Korean agency na Big Hit Entertainment.
Napansin ng isang Facebook User ang pagkakahawig ni Kapuso host Willie Revillame sa K-drama actor na si Kwon Sang-woo sa eksenang mula sa 'Delayed Justice.' Nakarating ito kay Kuya Wil kaya naman napa-react ito sa isang episode ng 'Wowowin.'
Si Kwon Sang-woo ang gumanap bilang Cholo sa sikat na Korean drama na 'Stairway to Heaven.'
Pwedeng maging twin sister ni Lisa ng BLACKPINK ang aktres na si Sue Ramirez.
Si Lisa ang resident Thai rapper at main dancer ng K-pop girl group na BLACKPINK.
Nai-imagine n'yo ba si Richard Poon na kumakanta ng ilang K-drama hit theme songs?
May ilang nagsasabi na kahawig ni Richard Poon ang dating miyembro ng K-pop boy group na TVXQ at South Korean actor na si Yoochun.
Mahilig man sa anime si Alodia Gosiengfiao, malakas din maka-Korean ang kanyang look.
Dahil sa kanilang chubby cheeks at malaking mata, 'di ka magtataka kung sabihin ng ilang K-pop fans na kahawig ni Alodia ang lead singer ng girl group na GFriend na si Eunha.
Nitong weekend, muling naging viral ang kilalang Kapuso host na si Jessica Soho dahil napansin ng mga netizen ang pagkakahawig niya sa Korean personality named Jo A Young.
Ang sinasabing ka-look alike ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' host ay isa sa mga mentor ng Korean idol survival show ng Mnet, ang 'Girls Planet 999.' Ayon sa website ng Girls Planet 999 fandom,si Jo A Young ay isang vocal trainer at kabilang sa kanyang mga na-train ay ang K-pop group na Twice.
Sinulat niya sa caption, “Eto na! Walang Photoshop, walang edit. Me and my kalokalike #gongyoo @kuyakimshin.”