Showbiz News

Glaiza de Castro, inalala ang kaniyang concert at nag-post ng mensahe para sa mga sumuporta

By FELIX ILAYA
 
Makalipas ang isang buwan matapos ang concert ni Glaiza de Castro na pinamagatang #DreamsNeverEnd, nag-post siya sa kaniyang Instagram ng mga photos at videos bilang pag-alala dito.
 
READ: Glaiza de Castro todo-todo ang preparations para sa kaniyang concert
 

"Halos isang buwan narin ang nakalipas ngunit hindi parin nagbabago ang pakiramdam; At masaya ako na naging kasama ko kayo sa pagbuo ng #DreamsNeverEnd. Hindi sapat ang salitang salamat sa suporta at pagmamahal. Kaya idadaan nalang sa bidyo. 15 seconds palang itong makikita niyo, sa susunod na araw may mas mahabang bersyon sa channel ko. Sana magustuhan niyo :)"
 
Ayon sa exclusibong panayam ng GMA Network kay Glaiza, kung hindi dahil sa kaniyang supporters, hindi mabubuo ang kaniyang concert. 
 
Aniya "Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila [supporters] dahil 'yung reason din naman kung bakit kami nag-concert ay dahil din sa kanila. Nabuo 'yung concert dahil sa suporta nila sa album, sa mga mall shows, at sa appreciation nila ng music ko."
 
Masaya din si Glaiza dahil nagsilbing reunion ang concert para sa mga kapamilya at kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.
 
Dagdag niya "Nakakatuwa dahil yung time na naganap yung concert, para siyang reunion ng pamilya, mga kaibigan, at friends na hindi namin nakikita na galing sa ibang bansa; may mga pumunta pa from different parts of the world para makanood ng concert."