Showbiz News

Boobay, ipinagdiwang nang maaga ang birthday dahil malapit nang manganak si Marian Rivera

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Anytime ay maaari nang ipanganak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera si Baby Letizia. Dahil dito, minabuting ipagdiwang ng kanyang malapit na kaibigan na si Boobay ang kanyang birthday last November 4.
 
READ: Marian graces the cover of a popular men’s magazine this November
 
Ayon kay Boobay, November 7 pa talaga ang kanyang kaarawan ngunit gusto raw ni Marian na makasama siya sa kanyang birthday kaya't nagkaroon sila ng simpleng party sa bahay ng Sunday PinaSaya host.
 
Kasama rin sa advance birthday celebration ang close friends nina Marian at Boobay na sina Roxanne Barcelo, Ana Feleo, Joylyn Santos-Gonzales, at Teena Barretto. 
 
READ: Marian Rivera, may bagong Instagram account para sa mga certified foodies!
 
Naroon din daw si Dingdong Dantes na naging punong abala sa mini party ng Kapuso comedian.
 

"Maraming salamat sa pa-advance pa-piging para sa aking kaarawan mga minamahal kong kababayan este kababaihan. Salamat sa mga masasarap na pagkain na inyong inihanda (at salamat kay papa @dongdantes na punong abala, mwah mwah mwah, answeeeet hihi)," ani Boobay sa kanyang Instagram post.