Showbiz News

'Kapuso Primetime Cinema,' magsisimula na ngayong Lunes!

By MARAH RUIZ


May bagong mukha ang primetime!
 
Siguradong mas magiging bongga ang inyong mga gabi dahil may bagong pelikulang mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes sa Kapuso Primetime Cinema. 
 
Mula bigating mga Pinoy films hanggang sa mga pinakamalalaking Hollywood blockbusters ay mapapanood na sa inyong mga telebisyon! 
 
Bigatin ang unang pelikulang magbubukas ng inyong linggo—ang 'My Big Bossing' na pinagbibidahan ng nag-iisang Bossing Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at kasama si Primetime Queen Marian Rivera. 
 
Tunghayan ang Kapuso Primetime Cinema, simula November 9, pagkatapos ng 'My Faithful Husband' sa GMA!