Showbiz News

Next week on Dangwa: 'A Single Mom's Love Story'


Hindi na mapipigilan ang pagti-trend araw-araw ng 'Dangwa,' ang  pinakabagong morning kilig-serye ng GMA7. Narito ang misyon ni Rosa (Janine Gutierrez) ngayong darating na Linggo. Isang single Mom na dubber ng Korea-novela si Jenny na gagampanan ni Pauleen Luna. Makakasama niya sa episode na ito si Jerald Napoles as Tonyo.
 



 
Bumili ng bulaklak kay Rosa ang pitong taong gulang na batang si Migs, anak siya ni Jenny sa pagka-dalaga. Gusto niya raw kasing ligawan ang kanyang Mommy para aminin na nito sa kanya kung sino talaga ang Papa niya. 



 
Sa paglalaro ni Migs ng tablet ng kanyang mommy hindi sinasadyang nai-send niya lahat ng 'Letters To Her Past Loves' ni Jenny. Dito magsisimulang magsibalikan lahat ng mga taong minsang minahal ni Jenny .
 
Isa na kaya rito ang Papa ni Migs? 

 
Si Christian o si Bryan ba na pareho niyang minahal noong kolehiyo? O Si Tonyo na habang buhay niyang kaasaran sa trabaho pero matagal na siyang minamahal ng totoo?  
 

 
Abangan kung paano tutulungan ni Rosa ang puso nina Jenny at Tonyo  para  mag 'bloom' ang pagmamahal  mula  sa pagkakaibigan patungong pagkaka-ibigan. 
Fall in love every week with the stories to be featured on 'Dangwa,' which airs Monday to Friday at 11 A.M. before 'Princess in the Palace' on GMA 7.