advertisement
Showbiz News

Meet Batangueña TikTok star Queenay Mercado

1 of 11

TikTok

Maituturing na si Queenay sa most-followed Pinay content creator sa TikTok. Ang kaniyang account ay mayroong 14.4 million followers at ang videos niya, umani na ng 310 million likes!

2 of 11

Viral video

Patok sa mga netizen ang video niya sa TikTok na hinamon siya magsalita ng Tagalog ng wala ang kaniyang Batangueño accent. May mahigit 26 million views na ang naturang video.

3 of 11

Other soc med

May Silver Play Button na rin si Queenay dahil may mahigit sa 300,000 subscribers na ang kaniyang YouTube channel na Queenee Mercado. May mahigit 500,000 followers naman ang kaniyang Instagram page.

advertisement
4 of 11

Online bashing

Sa isang panayam ng PEP.Ph, nagkuwento si Queenay kung paano niya hina-handle ang online bashing.

Pag-amin ng TikTok star, "Ay ngayon, 'pag ganyang marami talagang mga bashing, ganyan…minsan, ang ginagawa ko ho talaga, hindi ho ako nagso-social media for a while. Parang, kumbaga, hinahayaan ko muna ang sarili ko na maging banayad for a while. Kasi bakit naman hindi?

"Kumbaga, sarili ko naman ito. Kumbaga bakit i-stress-in ko ang sarili ko sa isang bagay na alam mo 'yun, kumbaga hayaan mo muna ang social media."

5 of 11

Nickname

Ayon sa isang report, ang nickname ni Queenay ay Broiler

6 of 11

Agency

Mina-manage ng Cornerstone Entertainment ang showbiz career ni Queenay

advertisement
7 of 11

Pinas Sarap

Nakapag-guest na rin sa ilang GMA-7 shows si Queenay tulad noong 2022 nang bumida siya sa episode ng 'Pinas Sarap' ng award-winning documentarist na si Kara David.

8 of 11

Bubble Gang

Ibinida din niya ang kaniyang Batangueña accent bilang isang librarian sa sketch ng 'Bubble Gang.'

9 of 11

Fashion

Certified fashionista rin itong si Queenay!

advertisement
10 of 11

Slay Zone

Bukod sa social media at TV, ipapakita rin ni Queenay ang husay niya sa big screen, dahil makakasama siya sa movie nina Pokwang at Glaiza De Castro na 'Slay Zone.'

11 of 11

Next

Tiyak mas lalo pang magniningning ang career ng Batangueña online sensation na si Queenay Mercado sa mga susunod na taon!