Showbiz News

Mike Tan, ibinuking ang TomCar sa 'Unang Hirit'

By BEA RODRIGUEZ
 
Isa sa cast ng bagong pelikula na 'No Boyfriend Since Birth' ang hunk actor na si Mike Tan at ginagampanan niya ang role ni Paolo na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend.
 
Saad ng Kapuso star, “Ako dito si Paolo, isa akong nerd dito. Ever since, gusto ko na dito si Carla [Abellana] so nag-set up ako ng something na para ma-in love siya sa akin since si Carla ay mahilig sa isang bagay na mapapaniwalaan niya.”
 
Kinamusta naman ng Unang Hirit hosts na sina Lhar Santiago at Luane Dy ang tambalan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa pelikula. “Very sweet” umano ang Kapuso stars sa isa’t isa at may dala-dala pa silang “anak” sa set.
 
READ: Kris Aquino’s sons attend Tom Rodriguez and Carla Abellana’s movie premiere 
 
Kuwento ng former The Rich Man’s Daughter actor, “Meron silang iniisip ko, anak ba nila ‘yun o aso nila? Hindi ako sure eh. Meron silang laging dog na dala eh, especially si Tom ‘yung may laging dala ng aso eh.”
 
Naganap noong Linggo (November 8) ang premiere night ng NBSB at mapapanood na ito bukas (November 11) sa lahat ng sinehan nationwide.
 
LOOK: ‘No Boyfriend Since Birth’: The premiere night