Showbiz News

Aiai Delas Alas on relationship with Gerald Sibayan: 'Kapayapaan, finally'

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa pagbisita ni Aiai Delas Alas sa Sarap Diva, nagbahagi siya ng update tungkol sa kanyang buhay pag-ibig with Gerald Sibayan.
 
 
Pahayag ng Philippine Queen of Comedy, "Awa ng Diyos, isa 'yan sa blessing ko na mabait naman si Gerald. Tahimik kami, kapayapaan finally."
 
Ibinahagi rin ng CelebriTV and Sunday PinaSaya host ang kanyang sikreto kung bakit siya masaya sa piling ni Gerald.
 
"Siguro kasi sabi nga nila 'di ba may kasabihan na "love is a decision." Siguro kaya ganoon kasi dinecide ko na ito na 'yung last tapos ito na 'yung kuntento ako."
 
"Kuntento na ako doon sa ako sa kung ano'ng meron ako," dagdag pa ni Aiai.
 
Para kay Aiai, naniniwala siya na age is just a number. Aniya, "Sabi nga nila age is just a number so ninamnam ko na lang 'yun."
 
LOOK: Aiai Delas Alas and Regine Velasquez-Alcasid's Saturday bonding in 'Sarap Diva'