Showbiz News

Kapuso stars at news personalities, tampok sa Kapuso Christmas station ID

By BEA RODRIGUEZ

Puno ng saya ang inihahandog ng GMA Christmas station ID dahil pinagsama-sama ang inyong mga paboritong Kapuso stars at ang sinusubaybayan ninyong news personalities sa iisang music video. 

READ: Netizens react to GMA Christmas station ID theme song 

“’Di matatawaran ang saya nun dahil nagkasama-sama lahat dun eh – entertainment, news pati ang grupo ng [Eat] Bulaga. Tayo ‘yun, ‘yun ang buong GMA,” saad ni Direktor Cesar Cosme sa report ng Unang Hirit.

LOOK: EXCLUSIVE: Behind-the-scenes of GMA’s Christmas Station ID shoot 

Mapabata man o mapamatanda ay nakisabay sa sayawan at kulitan ng shoot, “Maging bata tayo ulit. ‘Pag naging bata ka ulit, mas mararamdaman mo ‘yung purity [at] ‘yung love na masarap ipadama. Masarap mag-share, makikita mo ‘pag napanuod mo.”

44 days na lang at Pasko na mga Kapuso!