Showbiz News

Rumored real-life sweethearts Megan Young and Mikael Daez team up for the first time on 'Dangwa' next week



Painit ng painit ang mga love stories mula Lunes hanggang Biyernes sa pinakabagong morning kiligserye ng GMA7!
 
Sa bagong misyon ni Rosa (Janine Gutierrez) sa 'Dangwa' ang magbu-bloom na love life ay para sa "rumored" real-life sweethearts na sina Megan Young at Mikael Daez na sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang nakakakilig at kakaibang love story!

 
Nagtatrabaho si Jane (Megan Young)  bilang undercover agent sa Bureau of Immigration at ang assignment niya ay manghuli ng mga "overstaying" illegal aliens  na walang working permit para maipa-deport at pauwiin sa sarili nilang bansa. Ang pinakabago niyang assignment ay ang pagpapa-deport ng ilang modelong nagkukunwaring Pinoy pero ang totoo pala'y mga banyagang "overstaying" illegal aliens at isa sa kanila ay ang modelong si Jericho Santillan (Mikael Daez).  
 
Magpapanggap si Jane bilang PA ni Jericho para malaman ang sikreto niya pero habang nakikilala niya ang taong dapat na huhulihin niya. Tila nahuhuli naman nito ang kanyang puso! 

 
Magkakatotoo kaya ang mga sinasabi ng umilaw rosas ni Rosa para sa dalawang pusong mamumulaklak ang pag-iibigan? 
 
Siguradong makaka-relate ang marami sa kwentong ito ng isang regular common girl looking for her prince charming. Fall in love every week with the stories to be featured on 'Dangwa,' which airs Monday to Friday at 11 A.M. before 'Princess in the Palace' on GMA 7.