Showbiz News

'Destiny Rose' star Sheena Halili, mapagmahal na kapatid sa tunay na buhay

By OWEN ALCARAZ
 
Tila bumaha ng luha kahapon sa Ninoy Aquino International Airport nang ihatid ni Sheena Halili ang kapatid sa airport. Hindi nila makakasama ang bunso ng pamilya sa Pasko at birthday nito kung kaya't sobrang mami-miss daw ito ng dalaga.
 

Post ni Sheena sa kanyang Instagram account, "Love you J! sabi ko walang iiyak pero di ko kaya. Sa bus lang kita hinahatid dati umiiyak nako ngayon pa na mas malayo kana, at matagal ka doon alagaan mo health mo ha? kasi un ang kinaka-praning ko ilang araw na. ayoko magkasakit ka dahil wala magaalaga sayo dyan. pagbutihan mo ha? may plan sayo si God. (hay umiiyak nanaman ako) mamimiss kita. Grabe, bunso namin independent na. Kaya mo yan. ngayon palang proud na ako sayo! Di kita makakasama sa Pasko at Birthday mo pero ang pinaka habilin mo sa amin si mommy. wag ka mag alala papasayahin namin sya palagi. #chefJr #madramatalagaako #angchakakonasapicture #iyakpamore."
 
Si Sheena ay gumaganap na April Rose, ang nakatatandang kapatid ni Ken Chan sa Afternoon Prime na Destiny Rose
 
READ: Ken Chan, excited nang ipakilala si 'Destiny Rose' mamayang hapon
 
WATCH: Ken Chan, inaanyayahan ang lahat na tunghayan ang paglabas ni 'Destiny Rose'