Showbiz News

Michael de Mesa, walang sawang nagbibigay ng acting tips kay Ken Chan sa pagganap bilang transgender

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
"Buong araw po yatang nag-a-advice sa akin si Tito Michael de Mesa."
 
Matapos mangyari ang pinakahihintay na transformation ni Kapuso actor Ken Chan bilang Destiny Rose noong nakaraang Biyernes, ngayon naman ay focus na ang bida ng Afternoon Prime soap sa pagganap ng isang transgender.
 
LOOK: Ken Chan's beautiful transformation to 'Destiny Rose'
 
Ayon kay Ken, hindi madaling gampanan ang role ni Destiny dahil malayong-malayo ito sa kanya dahil tunay siyang lalaki. Pero kuwento niya, nairaraos naman niya ang mga eksena dahil sa kanyang direktor at co-stars lalong-lalo na si Michael De Mesa.
 
Marami na ring ginampanan na gay roles si Michael noon kaya't ibinabahagi niya ang kanyang experiences kay Ken. "Magkasama kami sa tent so buong araw siyang nagkukuwento sa akin. Ako naman kasi, tanong nang tanong sa kanya dahil isa siya sa mga pinakamagaling na artista dito sa industriya lalo na sa pagganap bilang gay," ani Ken.
 
Dagdag pa niya, "Marami siyang advice sa akin. Kailangan tamang timpla, mag-internalize nang mabuti, and of course, sabi niya sa akin, kung kaya mong kumapit sa role mo, kaya mo ring bumitaw."
 
READ: Ken Chan, naiuuwi na ang pagiging transgender
 
Sinabi rin daw sa kanya ng batikang aktor na normal lang na madala niya ang role ni Destiny kahit offcam. Saad ni Ken, "Aminado rin siya [Michael] na may mga pagkakataon na kahit pati siya [nahihirapan tanggalin ang gay character noon]."
 
Mayroon daw payo si Michael kay Ken para makawala siya sa transgender character. "Kailangan mo mag-reflect, kailangan mong mag-relax. Kailangan mong i-appreciate kung sino ka dati, 'yun ang sinabi niya sa akin," pagtatapos niya.