BBC News, gustong makapanayam ang AlDub?
Published On: November 17, 2015, 09:39 AM
Updated On: February 20, 2020, 02:36 PM
By AL KENDRICK NOGUERA
Sa Pilipinas gaganapin ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit kaya't maraming international media ang inaasahang pupunta sa bansa para i-cover ang malaking event na ito.
Pero hindi lang pala APEC ang pakay ng ilang media dahil ayon sa tweet ng Philippine Star showbiz writer na si Nora Calderon, gusto rin ma-interview ng BBC News ang 'Eat Bulaga' kalye-serye stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza.